Sun.Star Pampanga

Basag Kotse gang umatake na naman?

-

Palapit na ang Christmas ang mga kawatan Basag Kotse Gang umatake na naman sa Pampanga.

Nitong nakaraang Biernes, isang insidente ng Basag Kotse ang naiulat na nangyari sa Barangay Calibutbut, Bacolor town.

Ang biniktima ng mga kawatan ay si Jose Vidal, 49, resident eng Trinidad Village sa bayan ng Baco l o r.

Si Vidal ay barangay councilor ng Calibutbut ipinarada ang kanyang Nissan Terra sa kahabaan ng Fil-Am road ng nabanggit na bar an gay.

Ang biktima ay dumalo sa isang hearing at nang kanyang balikan ang kanyang behikulo nagulat ito dahil basag na ang kanan bintana nito.

Tinangay ng miyembro ng Basag Kotse gang ang black bag ni Vidal na kung saan naglalaman ng PHP35,000 cash, ATM, credit cards, East West bank check, duplicate key ng kanyang behikulo at mga gamut.

Ang mga suspect tumakas patungong City of San Fernando.

Tuwing palapit na ang Christmas, ang insidente ng nakawan ay tumataas ang bilang, ito’y batay sa police report.

Kaya naman pinag-iingat ni P/ Col. Rhoderick Armamento, Deputy Regional Director for Operations ng PRO-3 ang mga mayari ng behikulo na huwag magiwan ng mahahalaga­ng gamit sa kanilang sasakyan upang hindi magkaroon ng pagkakatao­n ang mga miyembro ng Basag Kotse Gan g.

Matatandaa­n ilang ng insidente ng Basag Kotse ang nangyari na sa Central Luzon.

Ilan ng insidente nangyari sa Angeles City, City of San Fernando sa parking ng isang mall, Bulacan at Nueva Ecija.

Iyong ibang naging biktima ay mayroon din PNP members na kung saan ang kanilang isyu baril ay tinangay ng mga Basag Kotse.

Kinakailan­gan na police visibility dahil palapit na ang Christmas na nagiging malimit umatake ang mga kawatan.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines