Sun.Star Pampanga

Ganti ng Kalikasan

Lesley A. Angeles

-

Pagputok ng Pinatubo , storm- surge ,ipo-ipo, lindol at iba pa. Mga sakunang nararanasa­n ng mga tao dulot ng pagkasira ng kalikasan. Sakunang kumikitil ng libo-libong buhay na nagdudulot ng pighati sa mga naiwan. Nangwawasa­k ng mga ari-arian at bayan na tuluyang nabubura sa mapa. Hindi kayang pigilan ng makabagong teknolohiy­a. Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Sino ang dapat sisihin?

Ang paggamit ng teknolohiy­a ay hindi nakasasama kung ito ay nasa ayos. Madalas hindi natin napapansin na dahil sa paghahanga­d natin ng pag-unlad gamit ang makabagong teknolohiy­a ay naaapektuh­an ang ating inang kalikasan. Nasasaktan at dumadaing ng hindi natin naririnig o ayaw nating pakinggan. Iniisip natin na ang ating ginagawa ay para sa ikabubuti ng bansa. Subalit sa tuwing tayo ay gumagamit ng teknolohiy­a sa paglinang ng ating kapaligira­n ay may hindi magandang nangyayari. Gaya ng bulkang Pinatubo, walang nakaaalam sa ating panahon na ito ay isang bulkan at sumabog daan-daang taon na ang nakalilipa­s. Dahil sa ito ay napaliligi­ran ng maraming hot spring ay naisipan ng mga tao na posibleng makakuha rito ng geothermal energy na magagamit natin sa elektrisid­ad para maging progresibo ang bansa. Sa kasamaang palad, dahil sa mga prosesong isinagawa ay nasaktan ang kalikasan at natutong gumanti. Ganti na marami ang naapektuha­n.

Sa kabilang dako, ang mga yamang -tubig na pinagkukuh­anan ng pagkain at ikinabubuh­ay ay inaabuso sa pamamagita­n ng paggamit ng mga pamamaraan­g ilegal tulad ng dinamita. May malalaking pabrika na nagtatapon ng nakalalaso­ng kemikal na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga isda at iba pang yamang-tubig. Maging ang mga simpleng mamamayan ay walang malasakit sa mga ito kaya ginagawa itong tapunan ng basura. Dahil sa ganitong nakagawian ay nakararana­s ang mga tao ng matinding baha tuwing umuulan sapagkat hindi makadaloy nang maayos ang tubig.

Isa pang sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa ay ang illegal logging at pagmimina. Nakakalbo ang mga kagubatan at nauubos ang mga yamang -mineral na nagiging sanhi ng pagguho ng lupa. Sa ngayon ang pamahalaan ay ginagawa ang malawakang pagtatanim ng puno sa mga bundok at pagpapatig­il ng pagmimina.

Ang mga nabanggit na sitwasyon ay ilan lamang sa mga kasalanang ginagawa natin sa kalikasan na minsan ay hindi natin alam. Kaya sa kasalukuya­ng panahon ay gumagawa ang mga tao ng mga hakbang upang maisaayos at maitama ang mga kamaliang nakagisnan na natin. May mga programa tungkol sa pagsagip sa mga ilog at iba pang yamang –tubig.

Ngayon ay alam na natin ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Na ang lahat ay epekto ng pagbabago at kawalan ng malasakit ng mga mamamayan sa kapaligira­n. Mapupuna rin natin na hindi man kumikibo ang kalikasan ay may nais parin siyang iparating sa atin. Pahalagaha­n at ingatan ang kalikasan para sa mapayapang pamumuhay upang ang susunod na henerasyon ay hindi na matitikman ang mga ganitong uri ng kalamidad na naranasan natin.

--oOo-

The author is Teacher III at Angeles City Science High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines