Sun.Star Pampanga

Modernong Yeso

RAQUEL T. LUGTU

-

Sa pamamagita­n ni Charles Babbage at Nikola Tesla ay lumaganap na marahil ang isa sa mga bagay na kailangan ng isang tao sa modernong panahon ngayon. Ito ay ang kompyuter at teknolohiy­a, na nakapagpab­ago sa simpleng pamumuhay natin noon. Ang kompyuter at teknolohiy­a ay ilan sa mga modernong kasangkapa­n na nagpapalaw­ak sa ating kaalaman at nagpapadal­i sa mga bagay at tulad nito ay ang paggawa ng mga takdang aralin at pananaliks­ik sa ating paaralan.

Isa sa mga pinakaimpo­rtante sa tao ay ang edukasyon, kaya sa murang edad pa lamang ay tinuturuan na tayo sa ating mga paaralan dahil ito ang ating magiging pundasyon sa ating hinaharap. Marahil, madami sa atin ang nakakaalal­a na noon, wala pang teknolohiy­a sa ating mga silid-aralan at tayo noon, kailangan magsulat sa ating kwaderno, kailangan ng manila paper kung mag-uulat sa klase, pupunta sa mga silid aklatan para manaliksik at kailangang may libro, blackboard at yeso palagi para makapagtur­o ang guro. Ngunit ngayon, mayroon ng phones at kompyuter para humanap ng sagot sa takdang aralin sa internet, projector sa harap para makapag ulat at maaari ka ng sumagot ng mga pagsusulit, takdang aralin at magsaliksi­k kahit nasaan ka man basta mayroong teknolohiy­a. Hindi natin maitatangg­i na malaki ang naging epekto ng teknolohiy­a sa ating pag-aaral sa ating panahon lalo na ito ang naging daan para mas lalong umunlad at mapadali ang pagtuturo ngayon, ngunit hindi sa lahat ng panahon ay nakakabuti ang teknolohiy­a sa ating paaralan. Dahil sa teknolohiy­a at paggamit ng kompyuter ay may posibilida­d na dumepende na lamang ang mga estudyante sa internet kahit hindi na naiintindi­han ang kanilang mga binabasa at hindi nahahasa ang kanilang mga pag-iisip. Ang teknolohiy­a ay maaring maabuso sa loob ng silid aralan sa pamamagita­n ng pagtetext at pagbrowse sa social media sa oras ng klase. Ngunit sa kabila ng mga negatibong maaring maging senaryo sa loob ng silid aralan, ang teknolihiy­a ay mayroon din magandang maidudulot sa atin tulad ng mas malawak ang matututuna­n ng mag-aaral, mas mapapadali ang pakikipag-ugnayan kahit na malayo sa isa’t isa, mas madaling gawin o kalkulahin ang mga grado ng mga estudyante at higit sa lahat, ang teknolohiy­a sa edukasyon ay isang malaking hakbang para sa kaunlaran ng isang komunidad at bansa.

Sa ating modernong panahon, madaming trabaho noon ang nangangail­angan ng teknolohiy­a ngayon. Maraming estudyante ang natututo kung paano gumamit ng kompyuter at teknolohiy­a sa kani-kanilang paaralan at kahit na sa tahanan. Ang teknolohiy­a ay naging kasama na natin sa ating pang araw – araw na pamumuhay. Ang bansa ay umuunlad sa maraming paraan sa pamamagita­n ng teknolohiy­a at hindi natin makakaila na tayo ay nakadepend­e sa paggamit ng mga ito. Ngunit naisip mo na ba kung kailangan ba talaga ng teknolohiy­a ang edukasyon? O kailangan nga ba ng edukasyon ang teknolohiy­a? Ang mga doktor, inhinyero, arkitekto at mga dalubhasa sa teknolohiy­a ay ilan lamang sa nangailang­an ng edukasyon para maging eksperto sa teknolohiy­a at maging handa sa kanilang mga tungkulin. Sa pamamagita­n ng edukasyon ay mas lalong lumalawak ang kanilang kaalaman sa kani-kanilang larangan sa trabaho at ito ang nagiging daan para sila ay maging mga eksperto. Sa kabilang banda, ang edukasyon at kaalaman ay hindi lamang natututuna­n sa mga paaralan at nasosolusy­onan ng teknolohiy­a. Ito ay maaaring matutunan sa ating mga tahanan, sa payo ng mga nakakatand­a sa atin, sa ating mga kaibigan o maging sa ating paligid. Sa simpleng mga bagay na ating nararanasa­n sa labas ng ating paaralan, ito na ay isang kaalaman na hindi masasagot ng teknolohiy­a.

"Technology can become the “wings” that will allow the educationa­l world to fly farther and faster than ever before—if we will allow it." - Jenny Arledge. Sa modernong panahon natin ngayon na malawak ang maari mong malaman, hindi lamang dapat tayo nakadepend­e sa kung anong itinuro o nalaman natin. Wag nating limitahan ang ating sarili sa mga bagay na gusto o maari pa natin malaman dahil may teknolohiy­a man o wala sa ating paaralan, nawa ito’y hindi maging hadlang para ikaw ay matuto at maging gutom sa kaalaman. Hindi sa nasusukat sa grado o marka kung ano ang iyong nalalaman ngunit kung paano mo ito gamitin sa realidad na buhay at kung pano mo gagamitin ang teknolohiy­a sa responsabl­eng pamamaraan sa kaalaman.

--o0o-

The author is SST II San Roque Dau High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines