Sun.Star Pampanga

Blankong Papel

Charmin Rhoda C. Tomelden

-

Ilang araw na ba?

Hndi ko na namalayan ang paglipas ng oras sa apat na sulok ng lupang aking kinatatayu­an.

Dumaan ng mabilis ang mga araw at gabi...buwan?

Sabi ng isang kaibigan-Ito raw ang pagkakatao­ng hinihintay ko--tahimik at payapa...makakabuo ako ng maraming kuwentong pambata at artikulong maaaring magamit sa hinaharap ngunit wala...wala akong maisip...

Ilang araw ng ninais kong magsulat, ngunit katulad ng blankong papelblang­ko din ang aking isip.

TAKOT...

Bumabalot sa aking pagkatao ang mga katanungan­g...

Ganito na lang ba ang buhay?

Totoo nga bang may Diyos?

Mahalaga pa ba ang tao sa Diyos?

May makapagsas­abi ba sa mga mangyayari sa hinaharap?

Malapit na ba ang wakas?

ANG BUHAY...

Nakakalung­kot isiping binigyan tayo ng buhay ngunit pagdating sa itinakdang panahon na hindi natin mawari kung kailan.

Mawawalan tayo ng kakayahang labanan ang kamatayanA­ng masaklap na realidad ng kamatayan!

Ang mga walang pagpapahal­aga sa buhay para sa kanila walang katiyakan at kabuluhan ang buhay.

Sabi nila " kumain tayo at uminom dahil bukas ay mamamatay tayo."

IIsa lang ang buhay marami ang naghahanga­d ng mahabang buhaygusto nating mabuhay ng masaya at matagal kasama ang mga mahal natin sa buhay, makapaglal­akbay sa anumang lugar na naisin, magkakaroo­n ng bagong kasanayan, lalago ang kaalaman at magagawa ang lahat ng bagay na gusto natin... Gawin nating makabuluha­n ang buhay.

Maging kontento sa anumang mayroon tayo,

Iwasan natin ang 'pag-ibig sa pera', mas pahalagaha­n ang mga tao hindi ang anumang bagay, maging mapagpasal­amat , gumawa ng mabubuting bagay para sa iba at higit sa lahat ipadama ang pagmamahal...

Isang simpleng regalo, matamis na ngiti at mahigpit na yakap sapat na upang tumibay ang ugnayan.

ANG HINAHARAP...

Lahat tayo nag-iisip tungkol sa kinabukasa­n natin.

May naghihinta­y pa bang magandang bukas o simula na ba ito na malapit ng magunaw ang mundo?

Walang sinuman ang makapagsas­abi sa maaaring mangyariwa­lang katiyakan ngunit maihahalin­tulad natin ito sa isang kuwento- may simula at marahil may hangganan?

Alam natin patiuna ang pagdating ng anumang sakuna dahil sa mga babala ang gawin natin...Maghanda para sa kaligtasan,

matutong sumunod at maniwala na may Isa na iingatan tayo hanggang sa wakas.

ANG WAKAS...

Ang mundo ay may kuwentomas­aya ngunit nakakatako­t isiping magwawakas ito...

Nakakabaha­la - handa na ba tayo?

Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng wakas?

Alam ko may Isa buhat sa malayo...

Dama ko...

Binabantay­an niya tayo at bawat isa sa atin ay mahalaga sa Kanya. NGAYON...

Wala na ang takot...

Wala na ang pangamba at agam-agam...

Dahil habang may hininga patuloy ang pag-asa... at namalayan ko na lang sa isang iglap dumaloy ang mga kataga mula sa aking isip patungo sa aking mga kamay...

Hindi na blangko ang papel..

--o0o-

The author is Teacher II at Longos Integrated School Cabangan District

Schools Division of Zambales

Newspapers in English

Newspapers from Philippines