Dahil sa 22 police officers with COVID-19 nagkahigpitan
Nitong nakaraang linggo nagpositibo ang 22 police of f i cer s. Ang nasabing mga police officer pawang nakataga sa Angeles City Police at Mabalacat City police.
Ang mga police officer ay pawang bagong graduated at lahat sila ay nasa pangangalaga ni Col. Frederick Obar na nasa Clark Freeport.
Sang-ayon kay Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang mga police officer ay isinalalim sa treatment samantalang ang contract tracing ay isinasagawa ng PNP.
Maging sa Mandawe City police, mayroon 13 pulis ang nagpositibo sa nasabing virus.
Sa talaan ng PNP National headquarters umaabot na sa 209 mga police officer ang nagpositibo sa COVID-19.
Karamihan sa mga police officer nagpositibo sa COVID-19 pawang nakatalaga sa mga checkpoint at sila’y nahaharap sa sa nasabing virus.
Dahil sa 22 kaso, nagkahigpitan na ang mga tanggapan ng police offices sa Pampanga.
Noong Huwebes (July 2) nang pumunta ang Inyong Lingkod sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters sa gate pa lamang mahigpit na ang mga duty police officer dito.
Siyempre una gagamitan ka ng thermo scanner at kapag di ka pumasa di ka papasukin sa loob ng Kampo.
Pagpasok mo naman sa mga tanggapan doon, hindi ka basta basta makakapasok hanggang sa pinto ka lang kung saan may isang pulis na nakaduty.
Hindi kagaya noon, tuloy tuloy ka papasok sa mga tanggapan basta naka face masks ka.
Kaya dahil sa 22 police officer nagpositibo sa virus. Naghigpitan ngayon sa Kampo.