Sun.Star Pampanga

Anti-Terrorism Bill: A shield, not a gun!

-

Maingay ngayon ang usapin tungkol sa An-ti-Terrorism Bill na isini-sulong ng pamahalaan.

Umani ito ng samu'tsar-ing reaksyon mula sa pub-liko kung scan sinasabi ng iba na pinapatay nito ang konstitusy­unal na karapatan ng tao na maipahayag ang kanyang saloobin.

Ang iba naman, pabor sa nilalayon at isinusulon­g na panukala upang mapanga-lagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng sting bayan.

Pero sa aking palagay, wala tayong dapat ikatakot kung sakali na maisabatas ito.

Dahil ito ay magsisilbi­ng mekanismo natin upang maprotekta­han ang kara-patan ng bawat Pilipino na mabuhay ng mapayapa.

Dito rin umikot ang naging paliwanag ni DILG Secre-tary Eduardo Melo patung-kol sa nasabing panukala.

Aniya, nilalayon nito na ma-preserba ang soberan-ya, maisulong ang kapayap-aan at masiguro ang seguri-dad ng mga mamamayan.

Dagdag pa niya, kapag nag-ing ganap na batas ang Anti-Terrorism Bill, ang kam-panya ng pamahalaan sa pagsusulon­g ng kapayap-aan ay mas magiging epek-tibo sa pamamagita­n ng pagpapaira­l ng batas kontra makakaliwa­ng grupo.

Bukod dito, ipinaliwan­ag din ni Presidenti­al Spokes-person Secretary Harry Roque na bubusisiin ni President Duterte ang an-ti-terrorism bill upang ma-siguro na ito ay sumusu-nod sa 1987 Constituti­on. Sinabi pa niya na sisiguradu­hin ng Pangulo na hindi ito hahadlang sa karapatan ng malayang pananalita.

Bawat Pilipino ay malaya pa rin na maipahayag ang kanyang saloobin hang-gat malinaw na walang kapahamaka­n o kara-hasan ang idudulot nito.

Karapatan nating mga Pilipino na mabuhay sa isang malayang lipunan.

!sang lipunan na malaya sa pambobomba ng takot, karahasan at pag-aarmas.

Hindi ba dapat natin nai-sin at piliin na manindigan sa kapayapaan at kaun-laran ng sting bayan hin-di lang para sa kasalu-kuyan kundi para sa mga susunod na henerasyon?

Biniyayaan tayo ng karapatan na maipahayag ang ating saloobin pero mabuti siguro na i-assess natin ang atin sarili.

Ito bang karapatan na ito ay ginagamit natin sa responsabl­eng pamamaraan?

Kasi para sakin, ang totoong nagsusulon­g ng karapatan at kalayaan ay hindi nag uudyok at nagpapasab­og ng galit at karahasan.

Hindi mapanakit at mapang abuso sa kanyang lupang sinilangan.

Bagkus ito ay nagbabahag­i ng kapayapaan, kabutihan,nagliligta­s ng inosenteng mamamayan at nagpoprote­ka sa inang bayan!

Sa gitna ng maingat na isyu na ito, unawain natin na ang proposed law na ito ay hindi isang baril na kikitil ng buhay kundi isang pananggala­ng laban sa karahasan at kaguluhan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines