Sun.Star Pampanga

MAGPATULOY KA!

Roselle P. De Jesus

-

Hindi titigil ang pagkatuto ng mga mag-aaral nang dahil lamang sa kinahahara­p nating krisis sa kasalukuya­n. Sa Agosto 24 ay pormal nang bubuksan ang klase para sa taong ito. Tiniyak ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na walang magaganap na face to face o harapang pagkaklase alinsunod na rin sa utos ng pangulo. Ito ay isang paraan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa gitna ng krisis na kinakahara­p ng bansa. Inilatag ang alternatib­ong pagkatuto sa pamamagita­n ng modular learning upang matugunan ang pangangail­angan ng mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon. Naghanda at naglaan ng malaking pondo ang gobyerno para rito upang hindi na maging alalahanin ng mga magulang ang pagaaral ng mga anak. Maraming pagsubok ang pinagdaana­n ng kagawaran para maisakatup­aran ang layuning ito. Ang pagpili ng akmang paraan ng pagkatuto ay malaking usapin at maraming mga bagay na dapat ikonsidera para sa lahat. Ngunit hindi nahinto rito ang proseso sapagkat malaki ang hamon na dapat bigyan ng solusyon.

Hindi maitatangg­ing ginagawa ng pamahalaan ang lahat para sa kapakanan ng mga kabataan sapagkat isa ang edukasyon sa naapektuha­n ng pandemyang ito. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay lubhang napakahala­ga upang maisakatup­aran ang kanilang mga pangarap sa buhay. Subalit ang ganitong sitwasyon ay pinanganga­mbahan pa rin ng karamihan sapagkat maaaring ang alternatib­ong paraan ng pagkatuto ay di magiging epektibo sa mga mag-aaral. Isa sa mga tinitingna­ng kahinaan ng modular learning ay ang kahirapan sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa mga araling may kinalaman sa Agham at Matematika. Paano uunawain ng magaaral ang mga araling ito lalo na’t may kahirapan pagdating sa kompyutasy­on kung walang harapang gabay mula sa guro? Mahalaga pa rin ang talakayan sa mga paksa na pinag-aaralan upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga leksyon. Kaya naman patuloy ang panawagan ng kalihim na si Sec. Leonor M. Briones sa mga magulang na ibigay ang buong suporta sa kanilang mga anak upang maging matagumpay ang ganitong paraan ng pag-aaral.

Ang tungkulin at responsibi­lidad ay hindi lamang sa pamahalaan at magulang ito’y higit sa mag-aaral. Walang may kagustuhan sa kung anuman ang nagyayari ngayon. Hindi rin naman maaaring tumigil ang ikot ng mundo ng dahil sa krisis na ito. Maraming sagabal ang pwedeng maranasan sa buhay habang tinatahak ang daan tungo sa mga pangarap ngunit sabi nga, kailangang magpatuloy anuman ang danasin. Ang edukayon lamang ang gamot sa kamangmang­an kaya marapat na palawakin at paunlarin ang sarili upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan. Ikaw, ano ang ibabahagi mo bilang isang mag-aaral?

--oOo-

Newspapers in English

Newspapers from Philippines