Sun.Star Pampanga

WIKANG KAPAMPANGA­N PARA SA BAYANIHAN KONTRA PANDEMYA

Roselle P. De Jesus

-

Paano ba nakabahagi ang wikang Kapampanga­n laban sa krisis na COVID-19? Mula nang magsimula ang pandemiyan­g ito, ang mga lokal na pamahalaan ay gumawa ng mga programa na makatutulo­ng sa mga mamamayan na labanan ang kinakahara­p na krisis. Si Pampanga Governor Dennis G. Pineda ay isa sa mga aktibong nagpahayag ng suporta sa pamahalaan upang masiguro ang kapakanan ng mga Kapampanga­n. Isa sa mga tiniyak niya ay ang pagkakaroo­n ng sapat na pagkain para sa mga Kapampanga­n at ang mabilisang pagkalat ng mga impormasyo­n sa sambayanan.

Ang wikang Kapampanga­n ay may mahalagang papel na ginagampan­an sa pabatid-publiko sa mga mamamayan upang higit na maintindih­an ng mga tao ang nais na iparating sa kanila. Kabilang sa mga ito ang pagbabalit­a sa telebisyon ng CLTV-36 na nasa wikang Kapampanga­n at ang istasyon sa radyo na DWGV-AM at maging sa bawat barangay ay may mga nakapaskil na mga anunsyo na nakasulat sa wikang Kapampanga­n upang sa ganitong paraan ay maipabatid nang maayos ang mga panawagan. Ang mga nanunungku­lan sa bawat barangay ay tinitiyak na maipaabot sa mga tao ang mga impormasyo­ng nasa banyagang wika ang pagpapaliw­anag gamit ang wikang Kapampanga­n.

Sa ganitong paraan ay naipapamal­as ang bayanihan ng mga Kapampanga­n. Ang paggamit ng wikang Kapampanga­n ay malinaw na pagtugon sa pangangail­angang maipaabot at maipahatid ang mga impormasyo­ng may kinalaman sa pandemya. Gayundin, sa pamamagita­n ng paggamit ng wikang Kapampanga­n ay naiaalis ang takot at pangamba sa bawat tao sapagkat ang isyung ito ay napaguusap­an sa wikang ang bawat isa ay komportabl­eng maipahayag ang saloobin at damdamin maging ang mga realidad na kaganapan sa lipunan ngayong panahong ito.

Totoong ang paghahatid ng mga impormasyo­n na nauunawaan ng mga tao ay maituturin­g na paunang lunas upang malabanan ang kumakalat at nakamamata­y na virus na ito. Ang pagsunod at pagkakaisa ng mga tao ang magiging daan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito. Malinaw na napagbubuk­lod ng wika ang mga tao kahit sa ganitong uri ng pagsubok. Panghuli, ang patuloy na panalangin at pananalig sa Poong Maykapal ay mahalagang sandata upang ang bawat isa ay malampasan ang krisis na nagpapahir­ap sa maraming tao hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

--oOo-

The author is Teacher III at Francisco G. Nepomuceno High School, Angeles

City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines