Sun.Star Pampanga

KARUNUNGAN: KAYAMANANG WALANG KATUMBAS

-

Hindi ba’t masarap sa pakiramdam na makita ang iyong mga alagang halaman na lumalaki at mabunga? Ang masilayan kung paano sila tumubo mula sa isang maliit na butil hanggang sa sila ay nagkaroon ng mga dahon at lumaki. Tanging pakiramdam mo lamang ay tuwa at pagmamalak­i at tila walang halong pagod sa araw araw na pag-aalaga rito. Gaya na lamang ng pagiging guro na nagbabahag­i ng kanyang karunungan sa kanyang mga estudyante.

Sadyang hindi biro ang karanasang tinahak ng mga guro bago sila matawag na guro. Maraming balakid ang kailangang harapin upang maging isang ganap na guro subalit nababawi naman ito sa resulta: ang magbahagi sa kanyang mag-aaral. Gaya ng ginto, ang karunungan ay hindi madaling mahanap. Walang makikitang ginto sa tabi-tabi lang kundi, ito ay nasa kasulok-sulokan pa ng mundo. Kailangan pang maglakbay at maghukay upang makahanap nito at kahit gaano ito kaliit, may halaga pa rin ito. Hindi ba’t kapag may pagmamay-ari kang ginto ay mayaman ka na? Ganoon din ang karunungan. Hindi ito basta basta makukuha at kailangan ng sipag at tyaga sa pananaliks­ik at pag-aaral bago ito matamo.

Kaya naman, nandito kaming mga guro upang magsilbing gabay sa pagkakaroo­n ng mabungang bukas sa mga kabataan. Ang karunungan ay kayamanan. Kayamanang hindi nabibili ng pera. Hindi kami magsasawan­g magtanim ng maliit na butil ng ginto ng karunungan hanggang sa ito ay tumubo, magbunga at maging masagana. Hindi kami maiinip na pagmasdan ang mga tinanim naming butil sa aming mag-aaral na sumibol at umunlad. Tanging hangad lang namin ay ang maghasik ng kayamanang hindi matutumbas­an ng pera. Mahabang panahon ang kakainin, umulan, bumagyo, o lumindol man, isa lang ang hangad naming mga guro, ang lumago ang gintong butil na aming tinanim sa kanila.

Hindi man ito madali subalit ang resulta nito ay walang katumbas. Parehong nararapat pagsikahay­ang galugarin ang ginto at ang karunungan dahil ang mga ito ay nagsisilbi­ng kayamanan. Sa isang maliit na butil na aming itinanim, maaari naman itong magbunga nang masagana.

—oOo—

The author is Teacher II at Madapdap Resettleme­nt High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines