Sun.Star Pampanga

IISANG ADHIKA PARA SA MATATAG NA SAPA

- Author is Head Teacher

ELOIDA F. SORIENTE

Pagkakaisa at pagtutulun­gan na nagbunsod sa bayanihan sa paaralan.

Muling ipinamalas ng Sapang Palay National High School (SPNHS)ang bayanihan sa paaralan sa ginanap na Brigada Eskwela 2023. Matatandaa­n na noong ika-14 ng Agosto isinagawa ang taunang Brigada Eskwela para sa pagbubukas ng klase na may temang, “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan”. Sa muling pagkakatao­n, ipinakita ng SPNHS ang diwa ng pagiging isang bayan para sa sintang paaralan. Ayon sa Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Z. Duterte, “Brigada Eskwela [or] Schools Maintenanc­e Week is an appeal to the bayanihan spirit of every Filipino to help prepare our schools for the opening of classes.” Sa pangunguna ng punongguro na si Engr. Danilo A. Casas, sinimulan ang paglilinis at pagsasa-ayos ng mga silid-aralan at iba pang mga gusali sa loob ng paaralan, katuwang ang mga guro, magaaral, alumni, LGUs, rotaryo, Armed Forces tulad ng mga pulis at kalapit na mga simbahan. Nakiisa rin sa gawaing ito ang mga magulang ng mga mag-aaral, at kooperatib­a sa naganap na Brigada. Pinatutuna­yan na ang diwa ng pagtutulun­gan para sa ating mga pag-asa ng bayan ay nanatili at nagpapatul­oy hanggang sa kasalukuya­n. Sa unang araw, nilinis ang paligid ng kabuuan ng paaralan. Dito ay nagbawas ng damo, nag-ayos ng mga halaman at nagwalis ng daan. Katuwang ang mga kawani ng paaralan, empleyado ng LGUs, at ng mga butihing magulang, matagumpay na naisagawa ang paglilinis, pagpapagan­da at pagsasa-ayos ng SPNHS. Pininturah­an din ang pader ng mga silid at bubong. Nilinis din ang paligid ng buong paaralan. Dagdag pa rito ang pagsasa-ayos ng mga upuan at bintana. Sinigurado ng bawat dumalo sa Brigada ang kalinisan at kagandahan ng SPNHS sa paparating na pasukan. Naghalo ang tuwa at kapanabika­n sa mga dumalo ng Brigada sapagkat unti-unting nakikita ang kaayusan ng paaralan. Dagdag pa rito ang saya na naidulot ng panunumbal­ik sa face-to-classes matapos ng mahabang panahon ng distance learning. Mayroon ding ilang kinaharap na suliranin ang mga nakiisa sa naganap na Brigada. Hiindi maikakaila ang mainit na panahon habang naganap ang programa. Bilang kaunting tulong at solusyon, nagkaroon ng pagbibigay ng pagkain at tubig upang masiguro rin ang kalagayan ng mga dumalo. Dagdag pa rito ang sakripisyo ng mga magulang, mag-aaral at iba pang nag-abot ng kamay sa pagtulong sa kabila ng kaabalahan sa mga iba’t ibang gawain at trabaho. Ang mga pagsisikap, pagtutulun­gan, at pagkakaisa sa gawaing ito ay upang mapanatili­ng ligtas ang mga mag-aaral at guro para sa pasukan. Kaugnay rin ng Brigada Eskwela, nagsagawa ang English at Filipino Department ng Brigada Pagbasa para sa mga mag-aaral na mageenroll sa ikapitong baitang. Ito’y isinasagaw­a upang matukoy ang antas ng komprehens­yon ng mga estudyante at upang sila ay magabayan nang naayon sa kanilang pangangail­angan. Bilang katunayan ng bayanihan, nagkamit ng parangal ang paaralan. Noong Disyembre 19, 2023, nabigyan ng parangal ang Sapang Palay National High School mula sa Gawad KATIG (Katuwang sa Hangaring de Kalidad na Edukasyon) Regional Level bilang 2023 Best Matatag School in Partnershi­p and Collaborat­ion (Mega School Category-Secondary Level). Ang nasabing parangal ay tinanggap ni Gng. Gladis GC. Cereno, Brigada Eskwela Coordinato­r, sa ilalim ng pamamatnub­ay ni Gng. Eloida F. Soriente, Head Teacher V ng AP Department. Kasama ring tumanggap ng parangal si Engr. Danilo A. Casas, Punongguro IV ng SPNHS. Dahil sa pagkakaisa at pagtutulun­gan, naipamalas ang bayanihan sa paaralan. Dahil sa puso at dedikasyon, matagumpay na natapos ang Brigada Eskwela. Muling pinatunaya­n na ang bayanihan ay buhay at mananatili hanggang sa kasalukuya­n.

-oOoThe

V at Araling Panlipunan Department Sapang Palay National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines