Sun.Star Pampanga

ANG PAPEL NG GURO

MARELLA E. IGNACIO

-

Madalas nating marinig sa ating mga magulang na ang tanging pangarap at hangarin nila sa buhay ay ang mapagtapos ang kanilang mga anak, ito ay sapagkat alam an ais mas malawak ang oportunida­d na naghihinta­y sa mga taong nakapag tapos ng pag-aaral. Dito pumapasok ang papel at gampanin ng isang guro, marami ang nakakakila­la sa mga guro bilang tagapagbig­ay ng kaalaman ngunit ito lamang ba ang papel na kanilang ginagampan­an? Sa apat na sulok ng silid-aralan, mga batang may ibat-ibang pinanggali­ngan,natatangin­g kakayahan at talino ang hinuhubog ng isang guro. Ang bawat isang mag-aaral ay masusing kinikilala upang malaman kung ano ang kanilang mga angking kakayahan at talino. Maging kanilang pag-uugali ay isa sa isinasaala­ng-alang upang malaman ng isang guro kung paano sila gagabayan at kung paano mapupukaw ang kanilang interes sa pag-aaral at malinang ang mga kakayahan na kailangan sa bawat araling pinag-aaralan. Ngunit may mga bagay na lingid sa kaalamana ng karamihan at madalas ay hindi nabibigyan ng pansin, ay ang mga guro ay tumatayong magulang sa mga batang kanilang tinuturuan. Likas na pagmamahal, pag-aaruga at pagiingat ay kusang loob na ibinibigay ng isang guro sa kanyang mga estudyante. Ang simpleng pagbibigay ng patnubay sa kanyang mga pinagdadaa­nan, pakikinig sa mga bagay an ais niyang ibahagi, pagunawa sa kanyang mga pangangail­angan at pagpapalak­as ng kanyang loob sa tuwing siya ay nakakaramd­am ng pagdududa sa kanyang kakayahan ay ilan lamang sa mga ginagawa ng isang guro sa loob ng paaralan. Kaya’t masasabing ang guro ay hindi lamang tagapagbig­ay ng kaalaman kundi pangalawan­g magulang sa paaralan na nagsisilbi­ng ikalawang tahanan.

-oOoThe author is Teacher II at Santos Ventura Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines