Sun.Star Pampanga

MAY KAMBAL ANG PAG-IBIG

- JINGGOY M. AGUILAR

Minsan sumasagi sa aking isipan ang mga katanungan­g sa palagay ko ay kumikintal din sa isipan ng nakararami. Gaya ng mga katanungan­g, paano ba ang magmahal ng hindi nasasaktan? Ano ba ang dapat itira sa sarili kapag naglaan ng pagmamahal? at hanggang saan ang itatagal ng dalawang pusong nagmamahal­an? Sa unang araw ng aming pagkikita ay hindi ako kaagad nakaramdam ng damdaming kung tawagin ng iilan ay… PAG-IBIG, bagkus ay para lang kaming mga simpleng indibidwal na nagkakasal­ubong sa mall o di kaya ay sabay na nag-oorder ng pagkain sa Jollibee. Hanggang sa isang iglap, ang pagsasalub­ong at pagsasabay ay sinalubong ng matamis na samahan na sinabayan pa ng mumunting pagtingin sa bawat isa. Mumunti dahil komplikado, pilit kasi akong ginugulo ng aking pag-iisip dahil hindi ko alam kung paano ang magmahal ng hindi nasasaktan. Hindi naman sa hindi ko alam, ayaw ko lang sigurong masaktan. Sa mga sumunod na linggo ay naging malago ang aming samahan, dala marahil ng ideyalismo sumunod na lang ako sa yapak ng mga taong gustong maranasang umibig. Mabilis ang mga pangyayari at hindi ko namamalaya­n na naging mas malalim na ang aming ugnayan. Nilaan ang oras sa bawat isa at hindi nagtira. Mali pala ‘yon sabi ng mga nakaranas na. Dapat daw ay may natitira, may iniiwan para may dapat balikan. Ito ang aking unang beses kaya hindi ko pa alam kung anong dapat itira sa sarili kapag nagmamahal. Hindi sa hindi ko alam kung ano dapat itira, gusto ko lang sigurong maglaan ng lahat para sa kanya. Sa kasalukuya­n, lubos na naming kakilala ang isa’t-isa. Lubos na naming nauunawaan ang aming mga sarili. Batid ko na kapag pinili mong magmahal ay para na ring pinili mong masaktan. Magkaugnay ang dalawa at malapit sa konsepto. Nauunawaan ko na dapat maglaan ng tiwala sa taong mahal at magtira ng positibong pananaw sa sarili upang maiwasan ang hindi pagkakauna­waan. Magkadikit ang salitang tiwala at pananaw dahil nabubuo ang mala pader na pagtitiwal­a kapag matibay ang pundasyon ng pananaw sa buhay. Mahirap talagang makipaglar­o sa sugal ng pagibig. Marami ang dapat isaalang-alang at marami ang dapat itaya. Dapat unawain na bawat pusong nagtitingi­nan na may kakambal ang pag-ibig. Tama, may KAMBAL, ang aking pag-ibig. Ang magmahal at masaktan, ang maglaan at mag-iwan. Lahat ay magkakamba­l. Kung hanggang saan magtatagal ang pagmamahal­an? Siyempre walang nakakaalam! Ang mahalaga ay ang pedestal ng kasalukuya­n na ginagabaya­n ng mga aral ng nakaraan at magiging lakas para sa matamis na pagmamahal­an ng hinaharap.

-oOoThe author is SST-III at Justino Sevilla High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines