Sun.Star Pampanga

PIPE, BULAG AT BINGI

JINGGOY M. AGUILAR

- -oOoThe author is SST-III at Justino Sevilla High School

“Anong gayuma na naman ang pina-inom mo dyan?”

Mga katagang naglalahad ng maraming kahulugan, kahulugan na tila ayaw mo ng malaman. Kapag nasabihan ka nito, malamang ay may napa-ibig kang mala-dyosa ang ityura. Paano ka naman? Ibig sabihin ba noon ay ikaw ay may kapangitan?

“Huwag kang magagalit, pero…”

Isa rin iyan sa mga katagang labis na ginagamit ngunit hindi alam ang dulot nitong sakit.

“May mali ba sa aming dalawa?”

“Hindi ba dapat kami magsama?”

“Love is blind”, ika nga ng karamihan, ngunit ito’y nababanggi­t sa mga maling konteksto paminsan-minsan. Bilang isang mamamayan, isa sa mga gawi natin ay ang manghusga, at madalas ito ay base sa ityura. Ngunit sino ba tayo, para kumontra sa dalawang nagmamahal­an?

Tayo ay pantay pantay, walang mali sa dalawang taong nagmamahal­an, ang mali ay nasa sarili nating pananaw at paniniwala.

Kapag sinabing “love is blind”, hindi talaga natin maiwasang isipin na ito’y sa pagitan ng dalawang nagmamahal­an, na kung titignan ay parang bulag ang isa sa pisikal na kaanyuan ng kanyang minamahal. Oo, tama naman, dahil ang tunay na pag-ibig ay nararamdam­an, at sa pag-ibig, walang makahahadl­ang. Sagot nga ni Vice Ganda nang tinanong siya kung bakit mahal niya ang kanyang kasintahan,“ewan ko, basta mahal ko siya..”

Hindi kayang ibigkas ng kahit anumang salita ang nararamdam­an ng isang tao, at hindi kayang tumbasan ng pisikal na ityura ang uhaw ng tao pagdating sa pag-ibig.

Totoo na bulag ang pag-ibig sapagkat kapag ikaw ay umibig, lahat ng kahinaan ng iyong iniirog ay nabubura o tila hindi mo na makita. Basta ang sinusundan mo lang ay ang iyong damdamin, kaya maraming nagsasabi na kapag ikaw ay nagmahal, para kang natatanga, madalas ay nabubulag ka na talaga sa mga nagagawa ng iyong kasintahan, hindi mo na minsan napapagana ang iyong utak at puro puso na lang talaga ang umaandar.

Hindi mo naman sila masisisi, sila lang ay umiibig. Kaya masarap talagang magmahal, lalo na kung alam mo na hindi lahat ligaya ang makakamtam, kailangan niyong lumago magkasama. Huwag ding isipin ang sasabihin ng iba, dahil sa pag-ibig, ikaw ay pipe, bulag at bingi.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines