Sun.Star Pampanga

SENTIMYENT­O SA SOCIAL AMELIORATI­ON PROGRAM

FLORDELIZA B. BRIÑA

-

Sa panahong ang perlas ng silanganan ay pilit dinadagit ng kamangmang­an Opinyon at suhestiyon ay pilit sa isa’t-isa’y nagsasagup­aan at nagbabanga­yan

Cash assistance kani -kanino nga ba talagang mga palad dapat manahan?

Isang katanungan­g parang araw na nilamon ng sawa ng kadiliman

Ang hirap maunawaan, makasarili­ng hangarin kasi ang pilit tumatatak sa isipan

Labis at hindi makatarung­an! Ano bang klaseng pag-iisip yan!

Alipughang pagkatao? Iwaksi mo yan kababayan

Mahirap maging tao, oo! sa panahong ito, kahit sa pagiging Pilipino man lang

Elementong dapat tumatak sa puso at iyong isipan

Lahat tayo apektado, walang mahirap o estadong mayaman

Isipin natin ng matino at iwasang haluaan pa nang kung anu-anong kasakiman

Oras na ito ay maglaho, pare pareho tayong magtatagpo sa kangkungan

Relief goods at tulong pinansyal na ‘yan ay mabilis lang sa palad mo dadaan

Ang isipin mo ay ang paghilom ng mundo at hindi ang walong libong makinang

Totoo, sa ngayon kailangan natin ‘yan!

Ito ang sigaw ng mga tao na pilit umaasa sa mapaglaron­g pamahalaan

Oo, tama kayo! ngunit hindi ba pumasok sa inyong mga isipan?

Na buhay ang mahalaga kaysa sa anumang bagay na ‘di pang matagalan

Panalangin nang nagkakaisa­ng bayan ang higit na kailangan

Reporma sa naunang nasubukan ay dapat magkaroon pa nang paglinang Oportunida­d sa lahat na mabahagina­n ay higit na bigyang katuparan

Ganid at makasarili­ng hangarin, sa puso ay dapat malabanan

Reyalidad sa buhay at hindi kathang isip lamang

Ako, ikaw, tayo! Pilipino, tumitindig sa anumang hamon nang karimlan

May pusong makadiwa at lahing PALABA

-oOoThe at Justino Sevilla High School, Mangga Cacutud Arayat, Pampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines