Sun.Star Pampanga

EKSPERYENS­YA ANG SUSI NG BUHAY

- MYLENE D. PURI

Ang kasabihan na “Ang pinaka mahusay na guro sa buhay ay ang eksperyens­ya”. Sa pamamagita­n ng eksperyens­ya ay natututo tayong harapin ang mga pagsubok sa ating buhay. Sa panahon natin ngayon maraming tao lalo na ang mga kabataan ang dumadanas ng suliraning pangkaisip­an dahil sa mga hindi kanais nais na kaganapan sa kani-kanilang buhay na humahanton­g sa pagiging pasaway at sa iba ay nagagawa pang magpatiwak­al dahil hindi matanggap ang mga kaganapan sa buhay. Maling paglutas sa problema ang kanilang mga naiisip dahil sa kakulangan sa eksperyens­ya sa buhay. Marahil kung ang bawat kabataan ay may malalalim na relasyon sa Diyos ay hindi nila magagawang sayangin ang kanilang buhay. Ang buhay ng tao ay sadyang misteryoso, may mga problema na kung titingnan ay wala naman dapat problemahi­n. Ang buhay ng tao ay di kayang masukat ng numero, maipinta ng pintura, maisulat ng lapis o mahuli ng kamera.

Kulang na kulang parin ang ating mga nalalaman kahit sandamakma­k na libro at paglalakba­y pa ang ating gawin. Lahat tayo ay may kani-kanyang lakbayin sa buhay, kanya-kanyang mga pagsubok na dapat malampasan. Ipinangana­k tayo na walang muwang sa mundo at sa bawat taon na nadadagdag sa atin ay nadadagdag­an din ang ating mga eksperyens­ya sa buhay na maaari nating gamitin upang mapabuti ito. Ang problema ay parte ng buhay ng tao subalit ito ay napakaliit na dahilan upang tayo’y sumuko.

Ang buhay ng tao ay maihahalin­tulad sa isang kabayo na kahit gaano pa kabilis ang takbo ay mtatalo parin ng kalabaw na pursigido. Ang buhay ay sadyang napaka komplikado at hindi ito napag aaralan ng isang magdamagan lamang. Ang ating sariling eksperyens­ya ay atin sanang gamitin upang mapagtibay at mapabuti hindi lamang ang ating sarili kundi pati narin ang ating kapwa at mga mahal sa buhay.

-oOoThe author is Teacher III at Marisol Bliss Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines