Sun.Star Pampanga

ABUSO SA PAGBABAGO

- JOMARIE R. MAGAT

May kilala ka rin bang hirap makasabay sa liksyon at na iistress dahil sa mga patong patong na gawaing pampaarala­n? Lagi bang mababa ang kanilang marka sa mga takdang aralin kaya't kumapit sila makabagong teknolohiy­a na "Artificial intelligen­ce" partikular ang isang aplikasyon sa mobile gadget na kung tawagin ay ChatGPT? Halina't pag usapan natin ito.

Hindi maitatangg­i na malayo na ang ating narating pagdating sa usapin ng teknolohiy­a, kaya naman halos lahat ng tao partikular ang mga estudyante ngayon ay nakabigkis na rito. Kung iisipin nga ay malaki ang tulong nito sa pang araw araw na buhay ng mga estudyante lalo na ng mga iilang hirap makaintind­i o nahihirapa­ng sumabay sa liksyon sa klase.

Ngunit ano nga ba ang napapanaho­n ngayon na kung tawagin ay "Artifical Intelligen­ce" o AI? Ano nga ba ang kayang gawin nito, at ano nga ba ang maaaring maging epekto nito sa pag uugali ng mga kabataan ngayon?

Ang artificial intelligen­ce o AI ay isa sa mga pinakabago­ng teknolohiy­a na kayang mag sulat,mag salita,at mag isip na tila bay isang totoong tao. Ang teknolohiy­ang ito ay may malaking tulong sa iilang mga mag aaral sa kanilang mga gawain sa paaralan. Gamit lamang ang gadget ay nasasagot at natatapos nila ang kanilang gawain gayong hindi naman talaga nila lubos na naiintindi­han ang kanilang aralin na sya namang pinanganga­mbahan ng mga guro ngayon

Ngunit tulad ng inaasahan ng marami, ang teknolohiy­ang ito ay mayroon ding hindi magandang naidudulot sa pag uugali ng mga kabataan ngayon. Dahil dito ay tila tinatamad ng makinig ang mga estudyante sa pangangara­l ng kanilang guro,hindi na gaanong pinagtutuu­nan ng pansin ang aralin o inugali na ang tinatawag nilang "manyana habit" o yung tipong ipagpapabu­kas na lang nang ipagpapabu­kas ang gawain dahil kampante ang kanilang loob na mayroong makasasago­t sa kanilang problema.

Kung tutuusin, mabuti sana ang magiging epekto ng teknolohiy­ang ito sa bawat isa . Ngunit kung patuloy na hindi ito magagamit ng wasto at patuloy na maaabuso ay tiyak na isisilang ang henerasyon ng mga tamad.

-oOoThe author is Teacher III at Diosdado Macapagal Memorial High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines