DEBOSYON NG GURO
Bakit nga ba napakahalaga ang ginagampanan ng guro na kanyang ginagalawan sa departamento ng edukasyon? Hindi lang basta na lamang magturo ng mga asignatura ng lahat ng aralin na kailangan na matutuhan ng mga bata sa klase kundi hubugin sila para maging mabuting tao na may pagmamahal at respeto sa kapwa, at lalung lalo na sa sarili. Malinang ang sarili nilang kakayahan upang magamit sa kinakaharap nilang buhay. Ipamulat ang pagiging makabayan o makabansa sa galaw ng buhay na magkaroon ng maayos na paninidigan sa kanilang sarili at higit sa lahat ipadama na may Diyos na masasandalan sa lahat ng mga pasakit ng mundong ginagalawan.
Marahil ay naitanong na sa sarili na di mo naman sila tunay na mga anak pero bakit nadarama mo yung pagmamalasakit at pagmamahal na parang tulad ng mga tunay na anak o tunay na kadugo. Marahil ay naitanong mo na sa sarili na di mo naman sila tunay na mga anak pero bakit nadarama mo ang pagmamalasakit at pagmamahal na parang tulad ng mga tunay na anak o tunay na kadugo. Siguro dahil sa sinumpahang pangako bilang guro na may bokasyon na kailangan mong gampanin sa edukasyon ang namamayani sa iyong puso at isipan.
Tunay na mahalaga ang ginagampanan ng isang guro sa edukasyon na hindi lang pagtuturo ng literal kundi may kaakibat na misyon at bisyon upang mahubog ang mga bata sa tunay na hamon ng buhay na kanilang tatahakin sa hinaharap. “Guro, kabahagi ka sa kinabukasan ng bawat bata na iyong tinuturuan.”
-oOoThe author is Teacher III at Marisol Bliss Elementary School