Sun.Star Pampanga

COVID-19, MAGANDA AT DI-MAGANDANG NAIDULOT NITO

ANGELITA L. DABU

-

Corona Virus 2019 o mas kilala sa tawag na covid-19. Ito ay isang uri ng sakit na nakakahawa. Na siyang nagdulot ng malaking kapagsubuk­an sa lahat ng tao. Ito rin ang naging dahilan ng nangyaring pandemya sa atin bansa o maging sa buong mundo rin. Subalit sa kabila non, ito ay may maganda at di-magandang naidulot sa mamamayan.

Ang Corona Virus 2019 o Covid19 ay isang sakit na virus na nakakahawa na may simtomas gaya ng: pag-ubo, pag-sipon, lagnat, pananakit ng katawan, pagkawalan ng panlasa sa pagkain, pagkawalan ng pang-amoy . At ang nakakatako­t ay pwedeng mamatay ang taong madapuan ng sakit na ito. Ilan sa mga nabanggit na pag-iwas o panlunas sa sakit na ito ay ang: paggamit ng facemask, pagkakaroo­n ng distanya kapag nakikipagu­sap, palagiang paghuhugas ng kamay at paglalagay ng alcohol, at pagkain ng masusustan­siyang pagkain at prutas, pag-inom ng maraming tubig at Vitamin C. Sa kabila ng pagdulot ng pandemyang ito, ito ay may maganda at di-magandang naidulot. Ang mga magandang naidulot nito ay ang pagkakaroo­n ng family bonding, pagtutulun­gan ng mga magpapamil­ya at kamag-anak, naging maingat at malinis sa katawan ang lahat. At ang mga di-magandang naidulot nito ay ang pagkamatay o pagkawala ng mga taong dinapuan ng sakit na ito. Nawalan din ng trabaho ang mga ibang tao. Nahinto rin sa pag-aaral sa paaralan ang mga mag-aaral nung mga panahong lockdown at bawal pang mag face to face class ang mga bata. Na nagbigay ng mabagal na pagsulong ng edukasyon sa mga bata na kahit na may kaniya-kaniyang modular at online na pag-aaral.

Ngayon, sa awa ng Diyos ang pandemyang ito ay natapos rin. Muli ng nakapag-aral ng face to face ang mga bata. Naibalik na rin sa trabaho ang mga nawalan ng trabaho dati. Naging maingat na ang lahat sa pag-iwas ng sakit na ito at pinangalag­ahan ang kalusugan. At higit sa lahat ang family bonding ng bawat pamilya ay lalong tumatag ang pagmamahal­an at pagsasama. Patuloy na hinarap ng mga kaguruan ang pagbabagon­g hatid sa pagkatuto ng mga bata upang bumangon muli at habulin ang naiwang progreso sa edukasyon. At syempre ang pasasalama­t sa Diyos, may maganda at di-magandang naidulot man ang Covid-19 ang importante, ang pandemyang nangyari ay atin nalampasan at hindi nawalan ng pag-asa sa buhay sa tulong at gabay ng Panginoon.

-oOoThe

-III at Bulacus Elementary School

author is Teacher

Newspapers in English

Newspapers from Philippines