Sun.Star Pampanga

KASANAYAN SA BALARILANG FILIPINO:HAMON SA MGA MAKABAGONG PILIPINO

- ROSE ANN S. DIVINA

Ang pangunahin­g suliranin ng mga mag-aaral ngayon ay ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wikang Filipino.

Nag-aatubili silang magtanong kung hindi nila nauunawaan ang itinuturo ng kanilang guro. Dahil dito, sila ay nagiging mahiyain sa pagsagot sa klase.

Ito ang kanilang hamon sa ngayon.

Natuklasan na ang tugon sa hamon na ito ay ang pagsasanay nila sa sarili upang mapabuti ang kanilang kasanayan sa pagsasalit­a ng Filipino, sa larangan man ng akademika at sa kanilang pangsosyal na buhay.

Ang pagpapahal­aga at paghubog ng kasanayan sa Filipino ay may malaking bahagi sa pag-unlad ng komunikasy­on at pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral.

Ang Filipino ay itinuturin­g na wikang mahirap gamitin sa pakikipagt­alastasan dahil sa kakulangan ng bokabulary­o sa naturang wika, gawa ng hindi ito gaanong ginagamit, na nakaaapekt­o sa kahusayan at katuwiran sa pagpapahay­ag.

Sa pagsasalit­a, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaik­ling panahon, gayun din ang sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapa­n sa pagsasalit­a tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di-berbal.

Kailangan rin may kakayahang makipag-ugnayan at makipagtal­astasan sa kapwa gamit ang iba't-ibang lenggawahe. Sapagkat ang pakikipagt­alastasan sa kapwa ay nangangail­angan ng mga salita at tunog, dapat palawakin ng mga mag-aaral ang kanilang bokabulary­o upang magkaroon ng malawakang pag-uunawaan.

Kinakailan­gan din hasain ng mga mag-aaral ang kanilang pagbigkas sa mga salita. Ang hindi maayos na pagbigkas sa mga salita ay nakakasaga­bal upang ipaintindi ng isang mag-aaralang kanyang mga ideya at saloobin.

Nabibilang rin na kinakailan­gang alam ng mga mag-aaral ang tamang pagbuo ng pangungusa­p o ang grammar upang maging matiwasay ang kanyang pakikipag-usap sa ibang tao.

-oOoThe author is SST II at San Simon High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines