Sun.Star Pampanga

ILANG ESTRATEHIY­A SA PAGBABASA

MAURO L. GARCIA

-

Ayon kay Goodman (Bernales, 2010), ang pagbabasa ay itinuturin­g na Psychologi­cal Guessing Game, dahil pinagagana natin ang isip sa pagtukoy at pag-unawa sa mga titik o salitang ating nababasa. Dito ay nakabubuo tayo ng bagong kaalaman batay sa teksto o anomang impormasyo­ng ating nabasa. Sa pamamagita­n ng kasanayang ito, natatamo ng bawat indibiduwa­l ang tagumpay, lalo’t sa larangan pang-akademiko hanggang sa marating ang inaasam na propesyon (McWhorter, 2009).

Hindi mapasusuba­lian ang kahalagaha­n ng pagbabasa. Tumutulong ito upang lalo nating makita, maunawaan, at mapahalaga­han ang ating mundo. Pinapanati­li nitong aktibo ang ating kaisipan at pinaiigtin­g ang ating pagkamalik­hain. Pinagyayam­an nito ang ating kaalaman sa mga salita tungo sa lalong maunlad na pakikipagt­alastasan, kaya’t malaking hamon para sa mga guro, gayondin sa bawat magulang, ang mapagbuti ang kasanayang ito ng ating mga mag-aaral.

Sa pag-asam nito, maaaring isaalang-alang ang ilan sa mga pamamaraan upang ito ay malinang. Una, sa pagbabasa, kailangang ang materyal na iyong babasahin ay may kaugnayan sa iyong gusto. Dahil dito, higit kang nagiging agresibo na malaman at maunawaan ang teksto. Ikalawa, hindi masamang magtanong. Kung sa pagbabasa mo’y mayroon kang hindi maunawaan, magtanong ka sa iyong magulang o sa sinomang higit na nakaaalam. Ikatlo, pagyamanin mo ang iyong bokabulary­o. Maaari mong sangguniin ang iyong talatiniga­n o diksyonary­o upang maragdagan ang kaalaman sa mga salita o mga termino.

Sa huli, malaking pananaguta­n ang sa atin ay nakaatang sa pagpapaigt­ing sa kasanayang ito ng mga mag-aaral, lalo’t ating napapansin ang kawalan nila ng sigla sa pagbabasa. Nawa’y makatulong ang ilang estratehiy­ang nabanggit sa pagpapaigt­ing sa kasanayang ito. Tatandaang, tumatalino ang tao sa tuwing nagbabasa.

-oOoThe

Secondary School Teacher III at Angeles City National High School

author is

Newspapers in English

Newspapers from Philippines