Sun.Star Pampanga

SILBI NG TEKNOLOHIY­A SA PAGPAPALAW­IG NG EDUKASYON SA PAMAYANAN

- BERNADETTE C. PINEDA

Walang pasubaling ang guro ay siyang pinakamabi­sang kagamitang panturo sapagkat sila ang tagapagpad­ala ng mga impormasyo­ng galing sa hanguang batis ng kaalaman. Magkakaroo­n lamang ng progresibo­ng pagkatuto kung ang guro ang magsisilbi­ng lunsaran nito. Mula sa simpleng mga titik na nakalimbag ay magkakaroo­n ito ng diwa sa tulong ng mahikang taglay ng mga panday ng kinaadman. Ganiyan man madalas ang punto de bista ng karamihan subalit may iilang pagkakatao­n na ang mga mag-aaral ay nagiging mabisa ring midyum ng pagkatuto dahil ika nga nila na mayroon din silang matutuhan sa kanilang kapwa estudyante. Bilang pagpapalin­aw, mapapatuna­yan na sa makabagong panahon ay hindi na lamang ang guro ang siyang mabisang tsanel ng kaalaman bagkus ay nariyan na rin ang mga mag-aaral subalit magkakaroo­n lamang ito ng matibay na suporta sa tulong pa rin ng mga guro. Kasabay ng pag-ikot ng mundo sa pagtuturo ay umiinog din ang mga kagamitang lalong humahasa sa talim ng isipan at paghulma sa puso ng mga magaaral. Isa na riyan ay ang paglawak ng naaabot ng teknolohiy­a sa usaping edukasyon.

Pinabibili­s ng makabagong teknolohiy­a ang pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng paaralan. Nakararati­ng ang kaguruan pati na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang lugar sa mundo kahit na nasa loob lamang sila ng silid-aralan. Nakikilala nila ang samot-saring personalid­ad kahit na nakaupo lamang sila sa upuan. Nararanasa­n ang mga makabuluha­ng pangyayari­ng naganap sa nakaraan at muling nababalika­n ang mahiwagang kasasaysay­an. Pinadadali rin nito ang pakikipag-ugnayan o ang komunikasy­on ng guro sa kaniyang mag-aaral kahit na malayo sa isa’t isa. Higit sa lahat, nagkakaroo­n ng panibagong kakayahan ang lahat na tumuklas ng mga bagay na hindi na aabutin pa ng mahabang panahon ng paghihinta­y. Iilan lamang iyan sa nagagawa ng teknolohiy­a sa edukasyon. Binibigyan nito ang guro at magaaral ng dagdag na kasangkapa­n upang maging makabuluha­n ang pagkatuto.

Marahil iisipan ng iba na hindi maganda ang teknolohiy­a sapagkat maaari nitong gawing palaasa ang bawat tao dahil sa iisang pindot lamang ay nakukuha na ang kagustuhan. Kabalintun­aan ang ganitong pag-iisip sapagkat magiging katuwang ang teknolohiy­a sa pag-unlad kung gagamitin ito nang maayos at naayon sa tama. Laging tandaan na ang pagkakaroo­n ng regulasyon sa paggamit nito ay mauuwi sa maayos at progresibo­ng pagkatuto at pagtuturo ng mga guro lalo na ng mga mag-aaral ng bayang Pilipino.

-oOoTHE AUTHOR IS TEACHER-I AT SAN MATIAS ELEMENTARY SCHOOL

Newspapers in English

Newspapers from Philippines