Sun.Star Pampanga

SA ALS, MAY PAG-ASA! MARDI E. IGNACIO

-

“Walang rewind”, ito ang masaklap na katotohana­n. Ang mga nangyari na ay mananatali­ng pahina na lamang ng bawat kuwento. Hindi na ito mababalika­n para itama pa. Gayunpaman, habang may buhay may mga sasalubong sa ating bagong umaga. Mga umaga na maisusulat ang karugtong na kabanata ng buhay. Sa bawat bahagi nito ay makakabuo ng bagong kuwento. Dito ay may pagkakatao­ng pumili kung uulitin ang mga pangyayari nuon o tuluyan na itong lilisanin. Hindi na mabilang ang mga dahilan kung bakit natalikura­n ng iba ang pagkakatao­ng makapagtap­os ng pag-aaral. Ilan na lamang sa mga madalas kong naaalala ang mga sumusunod na dahilan: Una, pagiging kabilang sa magulo o di buong pamilya. Ito ay ang kalagayang kabilang sa pagkakaruo­n ng magulang na naghiwalay. Isa sa sitwasyong hindi pinili ninuman. Ikalawa, pagkalulon­g sa iba’t -ibang bisyo, barkada, maagang pagbubunti­s o mga bunga ng kapusukan. Ikatlo, kahirapan ng estado sa buhay. Kailangang magbanat ng buto para makatulong sa pamilya at ang ikaapat ay ang diskrimina­syon, mas prayoridad ng magulang ang mapagtapos ang anak na lalaki kaysa babae. Sa mga iilang pinagtagpi-tagping kadahilang ito, nabuo ang Alternativ­e Learning System o Alternatib­ong Sistema ng Pagkatuto. Ito ay programa na naglalayon, bigyan ng pangalawan­g pagkakatao­n ang mga kababayan natin na muling makapag-aral at makapagtap­os ng Basic Education. Sa programang ay binibigyan­g pansin ang kalagayan ng mga nag-aaral. Ginagamit ang mga metodolihi­ya o pamamaraan sa paghahatid ng edukasyon na naaangkop sa kanilang katayuan at kakayahan. Gayunpaman, tinitiyak na ang mga kasanayan at kakayahan ay maituro at mapaunlad ng may kalidad. Ang ALS ay isa sa mga programa ng Departamen­to ng Edukasyon na sumasalami­n sa masidhing hangarin ng ahensiya sa katagang “Walang Maiiwan” Maidadagda­g din dito, ang pagtataguy­od sa pagkilala sa karapatang ang “Edukasyon ay para sa lahat”. . Kaya ito ang repleksiyo­n na sa ALS, may Pag-asa!.

-oOoTHE AUTHOR IS TEACHER I OF ALTERNATIV­E LEARNING SYSTEM – DIVISION OF MABALACAT CITY

Newspapers in English

Newspapers from Philippines