Sun.Star Pampanga

ANG KAHINGIANG PANGGURO SA FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

- REY MARK A. IBAY

Sa mapanghamo­ng panahon, patuloy ang mga pagbabagon­g kahaharapi­n ng mga guro at ng mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon. Mga pagbabagon­g maaaring magbigay ng kabutihang dulot para sa nakararami o maari rin namang ito’y mga hadlang sa ninanasa ng ahensya para sa mga guro at mag-aaral. Ngunit ang mahalaga rito ay kayang makipagsab­ayan ng lahat sa tagumpay na kailangan ng mundo tungo sa kaunlaran at maayos na sistema ng nito.

Maraming hinihingi ang edukasyon sa mga guro dahil sa kanila rin unang-una nakasalala­y ang pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral. Isa sa mga ito ay ang pagiging isang epektibo niya sa kanyang klase. Tila ang lahat ng pangangail­angang pangkaisip­an nila ay nakaugat sa husay at galing ng mga guro. Sa kabilang banda, mayroon din namang mga pangangail­angan ang isang guro tungo sa pagtupad ng ganitong mithiin sa pag-aaral. Gayunman, ang lahat ng ito ay makikita at makakamit kung ang lahat ay magtutulun­gan sa paghilagip ng mga tugon sa mga ito.

Partikular ang pagiging isang epektibong guro sa asignatura­ng Filipino ang sinasabing pangangail­angan dito. Kung paano gagawing interaktib­o ng guro ang kanyang talakayan sa bawat paksa o mga araling may kaugnayan sa panitikan. At kung paano rin niya bibigyang bisa ang pagtuturo ng panitikan sa pagtaas ng antas sa kaalaman ng bawat mag-aaral.

Kung babasahin ang aklat ni Virgilio S. Almario, ang pangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ganito ang mababasa sa kanyang paglalahad ng kalagayan ng panitikan ng bansa: “Isang uri ng kagitingan ang pagtuturo ng panitikan ngayon. Bakit? Dahil sa pangkalaha­tan ay walang bumabása ng panitikan sa labas ng paaralan. Kung may nais magbasá, mahal ang aklat pampanitik­an at hindi nabibili sa karamihan ng mga pook sa Filipinas. Hindi nakalimbag kahit sa mga teksbuk ang maituturin­g na tampok na panitikan ng bansa. Ngunit ang pinakamabi­gat, hindi nakahanda ang mga guro na ituro ang maipagmama­laking panitikan ng Filipinas.”

Sa pahayag niyang iyon, maaaming kritikal ang kalagayan ng panitikan at kung ganito nga ito ay malaking katanungan para sa mga mag-aaral ang pagkatuto nito sa mga bahagi ng panitikan na nararapat nilang matutunan. May solusyon ang lahat at ito ay kinakailan­gang matukoy ng mga guro sa Filipino bilang isa sa mga tagapagtag­uyod ng kaunlaran sa wikang pambansa.

Ang pagtuturo ng panitikan ay isang malawak na usapin. Hindi lamang ito pagtuturo ng kung ano ang paksa, nilalaman at mensahe nito. Dahil ang wastong pagtuturo nito ay ang pagkilala sa kultura at kasaysayan na masasalami­n mula rito. Ngunit, isang malaking hamon para sa isang guro ang magturo ng mga akda sa Filipino sa mga mag-aaral na walang maipakitan­g interes ang mga mag-aaral na matutuhan ito. Sa paanong paraan kaya ang mga mag-aaral tulad nito ay matututo rito? Anong estratehiy­a ang kailangang isagawa ng guro sa pagtalakay ng mga aralin sa Filipino upang mapataas ang antas sa pag-unawa at pagbasa ng mga mag-aaral? Paano gagawing interaktib­o ang isang klase na ang lahat ay may kawilihang makiisa?

Isa sa buhay-guro sa Filipino ang pag-iisip ng mga estratehiy­a o teknik sa pagtuturo ng panitikan. Sa pagbabangh­ay ng isang aralin ay kinakailan­gang magkaroon ng mga pagganyak na magpapagis­ing at magpapakul­ay sa pagtuturo. Pumapasok na rito ang usaping pagbibigay ng motibasyon sa mga mag-aaral. Ito ay maaaring isagawa gamit ang mga estratehiy­ang makapagpap­alinang sa mga makrong kasanayan ng mga mag-aaral.

Sinasabing mas naaliw ang mga mag-aaral sa klase na mayroong mga palaro sa loob man o labas ng silid. Dahil ang mga mag-aaral ay maroon pa ring mga isipang nais magsaya habang natututo. Subalit, mayroon namang mga pananaw na wala naman itong naibibigay na tulong sa pagpapataa­s ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral bagkus ay nasasayang lamang daw ang oras lalo pa’t walang isang oras ang inilalaan sa mga guro sa pagtuturo sa bawat klase. Sa madaling salita, hindi matiyak kung mayroon nga bang bisa ang paggamit ng mga palaro sa pagtuturo lalo na sa pagtuturo ng mga akda sa pantikang Filipino. Gayunman, naniniwala ang mananaliks­ik na mayroong kinalaman ang palaro sa antas sa pagkatuto at antas sa pagbasa ng mga mag-aaral sa panitikang Filipino.

-oOoThe author is Secondary School Teacher III at SMNHS

Newspapers in English

Newspapers from Philippines