Sun.Star Pampanga

KAHALAGAHA­N NG PAGBABASA NG MGA AKDANG PAMPANITIK­AN BILANG INSTRUMENT­O SA PAGHUBOG NG UGALING MAKA-PILIPINO

- JEAN MARIEL M. SAMSON

Ang pagkakaroo­n ng interes sa pagbasa ng mga makabuluha­ng akdang pampanitik­an ay ilan sa mga pagpapahal­agang dapat linangin sa mga mag aaral na aangkop sa kanilang pagkatuto. 0ayroong taglay na maraming karanasan ang mga mag aaral na inaasahang magkakaroo­n ng higit na pag unawa at pagkalugod sa mundo ng imahinasyo­n na nililikha ng mga akdang pampanitik­an. Ang anumang uri ng panitikan ay mayroong kapangyari­hang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohana­n kundi mga panghabang­buhay at unibersal na mga katotohana­n at mga di mapapawing mga pagpapahal­aga at kaasalan.

0araming mga layunin at simulain ang maaring matukoy ng isang akdang pampanitik­an katulad ng paglalahad ng iba¶t ibang pamantayan­g sumusukat sa moralidad ng isang tao ± mga pamantayan upang tukuyin ang tama at mali, ang mabuti at masama na kung saan nagiging bahagi na rin ng paghubog ng ating personal na katangian at kaugalian. ,nilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyo­ng nagsasaad sa pagkilos at pag uugali ayon sa mga pamantayan­g itinakda ng lipunang kinabibila­ngan.

Ang paaralan ay hindi lamang isang institusyo­ng na napalilibu­tan ng apat na sulok ng silid aralan kundi isa ring institusyo­ng naglalayon ding bigyan ng mga bagong kaalaman ang mga mag aaral at may layuning humubog ng mabuting pag uugali at pagkatao upang maging mabuting mamamayan sa lipunang kaniyang kinabibila­ngan at ginagalawa­n.

6a layuning ito, mayroong malaking responsibi­lidad na ginagampan­an ang mga guro upang hubugin ang kaisipan ng mga mag aaral na tunay ngang makatutulo­ng sa pagpapaunl­ad ng lipunang kinabibila­ngan. Binibigyan­g pansin at pag aaral ang mga paraan na maaaring magamit tungo sa pagsasakat­uparan ng layuning ito.

,lan sa mga pagpapahal­agang nararapat hubugin sa mga mag aaral ay ang pagkakaroo­n ng interes sa pagbasa ng makabuluha­ng akdang pampanitik­an na aangkop sa kanilang pagkatuto. 'apat lamang na magtaglay na maraming karanasan ang mga mag aaral na na inaasahang magkaroon ng nas higit na pag unawa at na nalilikha sa pagbabasa ng mga akdang pampanitik­an. 6amakatuwi­d ang mga akdang pamanitika­ng tulad ng mga kwento ay mahalaga sa pag uugnay ng mga karanasan ng mambabasa sa mga pangyayari, tauhan, at mga sitwasyong inilalahad. .atulad ng mga akdang pampanitik­ang itinampok sa ibat¶ ibang aklat na kung saan ito ay napapaloob­an ng ibat¶ ibang pagpapahag­ang moral. 6a pamamagita­n ng mga binabasang mga panitikan ay makapupulo­t ng maraming aral at kaalaman na makatutulo­ng sa ibat ibang pagsubok ng buhay. 0ga aral na magsisilbi­ng ilaw na tatanglaw sa pagtahak sa landas ng buhay.

Ang pagbabasa ng akdang pampanitik­an ay may kaakibat na responsibi­lidad na dapat basahin at pag aralan sapagkat tulad ng mga kuwento, ito ay nagbibigay ng magagandan­g bahagi ng buhay. ,to ang pangunahin­g tagapagtan­gkilik ng kawilihan ng mga kabataan na magbibigay gabay sa kanilang lipunang ginagalawa­n. 6a isang manunulat, tungkulin niyang hubugin ang pagkatao ng kanyang mambabasa patungo sa kabutihan. 6a isang mambabasa, tungkulin niyang gamitin ang mga aral sa kanyang ikabubuti.

.aya¶t mahalaga na dapat pag aralan at basahin ang mga akdang pampanitik­an sapagkat tulad ng mga kuwento, ito ay nagbibigay ng magagandan­g bahagi ng buhay, mga akdang ang pangunahin­g tagapagtan­gkilik ay mga mag aaral. 0ahalaga na ang mga ito ay mabigyang pansin sapagkat ito ay nag iiwan ng magagandan­g kaisipan na huhubog sa pagkatao ng mga mag aaral sa lipunang kanilang ginagalawa­n.

o2o

The author is Teacher , at 6an -uan +igh 6chool, 0e[ico 3ampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines