BIRTWAL NA KOMUNIDAD NG HATIRANG PANGMADLA
-oOoThe
III at Betis National High School
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nagbunga ng di mapigil na pagbabago. Isa sa mga ito ang pagkakaruon ng inobasyon sa larangan ng komunikasyon. Ang hatirang pangmadla o social media ay naging popular na daluyan ng pakikipagsalamuha. Binigyang kahulugan ito ng Wikipedia bilang isang interaktibong teknolohiya na nagsisilbing tagapamagitan sa pagpapalitan, pamamahagi at paglikha ng mga impormasyon, kaisipan, interes, at iba pang uri ng mga pahayag sa mundong digital. Ito ang nakapagpabago sa pamamaraan ng pakikipag-usap sa isa’t -isa. Sa mga platform gaya ng Facebook, Instagram, at Twitter nabuo ang mga birtwal na pamayanan kung saan maaaring kumonekta at makipag-ugnayan ang mga indibidwal. May kakayahan itong lumampas sa hangganan ng heograpiya para mapag-ugnay ang mga nasa kabilang panig ng mundo. Nabuksan ang mga pagkakataon sa pagkatuto at pagbabahagi ng iba’t-ibang kultura, karanasan at magkaibang pananaw.
Sa pagiging popular ng hatirang pangmadla ay pinakilala ang isang platform para makahanap ng suporta. Nabuo ang isang birtwal na komunidad na nagsisilbing lugar para maipahayag ang sari-sariling opinion at maka-ambag sa mga talakayan. Sa pamamagitan ng mga hashtag at online na paggalaw, nagkakaisa ang mga tao sa likod ng isang karaniwang layunin na maaring magdulot ng pagbabago.
Gayunpaman, sa likas na pagsasalipunang katangian nito umusbong ang isa pang birtwal na komunidad. Ang komunidad na nagbigay ng lakas ng luob sa mga ibang indibidwal na makisali sa mapaminsalang pag-uugali na nagdudulot ng panliligalig. Una, ang pagbuo ng isang huwad na facebook account kung saan inaangkin ang pakakilalanlan ng isang tao para gamitin sa hindi kanais nais na layunin.
Ikalawa, ang pagsasapubliko ng lahat ng bagay na maaring magdulot ng kapahamakan sa sarili at sa iba.Ikatlo, ang pagbabahagi ng mga nakakatawang panuorin na nakakapanakit na maaring gayahin at magdulot ng panganib sa pisikal na katawan,kalusugan o sa kapwa.
Sa pakikisalamuha sa sa social media ay nabago ang paraan ng pakikipag-ugnayan. Nag-alok ito ng napakalaking pagkakataon sa pagkabuo ng birtwal na komunidad na ang mithiin ay mapaglapit ang indibidwal saan man naruon. Ang pagkabuo naman ng birtwal na komunidad na nakakapaminsala ay di sinasadyang umusbong. Malayang pumili ang indibidwal kung saan komunidad siya bibilang na siyang bumubuo sa birtwal na pamayanan ng hatirang pangmadla o social media. Gayunpaman, nararapat isaalang-alang ninuman, ang pagpapahalaga sa karapatang pantao na pangunahing timbangan ng pagpapahalagang “Pakikipagkapwa” sa pagkikibilang sa alinman sa mga ito.
-oOoThe author is Teacher I of Alternative Learning System -Division of Mabalacat City