Sun.Star Pampanga

BALIK PASUKAN SA HUNYO

MILETH S. LOPEZ

-

Dati nang binanggit sa ilalim ng panunungku­lan ni dating Pangulong Benigno C. Aquino Sr. ang paglipat sa pasukan sa tuwing buwan ng Setyembre. Ayon sa kanya nararapat lamang na ilipat ito sapagkat ang panahon ng tag-ulan ay kailangan iwaksan upang hindi maantala ang pag-aaral

Ganunpaman hindi ito naisakatup­aran sa panahon ng administra­syong Duterte. Ngunit sa pagdating ng pandemya,ito ay naipatupad.Klase nga ay nasimulan sa buwan ng Agosto at Setyembre sa dalawang magkasunod na taon .Ika ng iilan, hindi malalaman kung hindi mararanasa­n. Sa kabila ng pagpuno sa mga learning losses dulot ng pandemiya , dito na lumabas ang samut-saring inahing ng mga guro at magaaral . Sapagkat naiwasan nga ang mga bata sa panahon ng habagat ,kanila namang natamasaan ang bagsik ng init ng tag-araw.

Ang Pilipinas bilang isang bansang tropikal ay tunay na makakarana­s ng matinding init ng araw tuwing buwan ng Abril at Marso . Ang mga pasilidad sa paaralan ng bansa ay hindi naayon sa matinding init . Kaya nagresulta ito sa heat stroke o iba pang karamdaman ng mga mag-aaral , maging ng mga guro.

Sa kadahilana­ng ito, muling sinuri at inaral ng mga kinauukula­n sa pamparunun­gang taong kalendaryo ng pag-aaral ng mga bata . Nitong nakaraang mga araw, inilabas na nila sa kagawaran ang memorandum.

Sa darating na Panuruang taon 2025 – 2026 ay muling ibabalik sa buwan ng Hunyo ng pasukan . Marami sa mga guro, ang sang-ayon na ang Hunyo ang tamang panahon para sa simula ng pag-aaral . Nakakarana­s man ng matinding ulan tuwing panahon ng habagat , mas mahirap pa ring kalaban ang matinding init ng panahon tuwing summer . Unang –una, kinokonsid­era nila ay ang mga silid aralan na hindi akma ang pagkakagaw­a sa matinding init , sapagkat mayroon pa ding iilang wala pang kisame . Ang iba naming ay nagsasabin­g po at siksikan ang mga ito sa loob .

Samantalan­g kung boses ng mga magulang naman, para sa kanila , maluwag ang buhay tuwing Hunyo, kung kaya magiliw nilang tanggap ang pagbabalik Hunyo ng pasukan Higit naman itong pinatunaya­n lalo nang mga magulang na nakikipag-arawan lamang , na umaasa araw-araw na kita sa pakikipagt­rabaho . Sa kabilang banda , ang edukasyon ang isa sa mga mahalagang prayoridad ng gobyerno sapagkat ang sumusunod na henerasyon ay nakasalala­y dito . Lahat ng uupong maging kalihim ng kagawaran ay tunay na maganda ang hangarin upang maisaayos ang kalidad ng edukasyon . Ito naman ay napatunaya­n at nakayanan lalo na sa kasagsagan ng COVID19. Sapagkat ang tunay na mahalaga ay ang ipagpatulo­y ang edukasyon anuman ang sitwasyon.

-oOoThe author is Teacher III at San Basilio Elementary School, Santa Rita District

Newspapers in English

Newspapers from Philippines