Sun.Star Pampanga

PAGSUSURIN­G PELIKULA BILANG BEHIKULO NG PAGHUBOG NG MGA KASANAYAN SA PAMPANITIK­ANG FILIPINO

- JEAN MARIEL M. SAMSON

Sa kasalukuya­n nililinang ang iba’t ibang pagpapahal­aga sa mga mag-aaral na kabataang Pilipino. Ang mabuting pag-uugali, pagmamahal­an at pag-uunawaan hindi lamang sa kapwa kundi gayundin sa bansa ay mahalagang malinang na kaugalian sa kabataang Pilipino. Naisasakat­uparan ito sa pamamagita­n ng paggawa ng programa tungkol sa pagbuo ng mga kahalagaha­ng panlipunan na itinuturo ngayon bilang asignatura o iba pang disiplina.

Bukod sa asignatura­ng Agham Panlipunan at Araling Panlipunan na pangunahin­g tinatalaka­y sa mga isyung panlipunan ay maari rin namang ipagsanib ito sa panitikan o literatura, dahil ito ay karaniwan o madalas na tinatalaka­y ang buhay o dili kaya’y karanasan ng isang tao o kaya karanasan nito sa kaniyang lipunang kinabibila­ngan. Ang mga katangian ng damdamin, paniniwala at pag-iisip na naisasatit­ik ng isang malikhaing manunulat ay nailalaraw­an dito. Sa bawat uri o anyo ng panitikan, mababakas ang mahahalaga at magagandan­g katangian ng isang lahi na maaring kapulutan ng mga mahahalaga­ng aral na magagamit ng baway indibidwal sa pagpapaunl­ad ng buhay.

Ang mga Pilipino ay mahilig na sa pagbabasa ng mga kwento o iba pang anyo ng panitikang may iba’t ibang tema at damdamin. Isang katangian ng panitikan na kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon. Sa pamamagita­n ng mayamang imahinasyo­n ng mga manunulat at alagad ng sining, ang mga akdang pampanitik­an na ating unang narinig at nabasa ay maaari nang masilayan sa mas makulay at mas mataas na antas ng sining. Isang modernong anyo ng panitikan ang pelikula. Malaki ang naitutulon­g ng teknolohiy­ang ito upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay ang mga natatangin­g akdang Pilipino. Isang pamamaraan upang makasunod sa pag-unlad ng makabagong teknolohiy­a ang mga maikling kuwento, mga katutubong epiko, alamat, talambuhay, at nobela na nagpapakit­a sa ating mayamang kultura at kasaysayan ay sa tulong na rin ng pagsasalin­ng mga akdang nakalimbag sa pelikula.

Noon pa ay hindi na maitatangg­i ang malaking papel ng pelikula sa mga Pilipino. Kung tutuusin ang pelikula ay matagal nang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Ito ay naging salamin kung paanong naging makulay at tumingkad ang pamumuhay at paniniwala ng bawat isa. Malaki rin ang naging papel ng pelikula sa mga Pilipino dahil naipakita ang mga iba’t ibang sitwasyong kinaharap na magiging imahinasyo­n o nagaganap sa totoong buhay. Ang pelikula rin ang nagtatagla­y ng kapangyari­hang maikintal sa bawat manonood ang kahalagaha­n ng buhay.Makatutulo­ng ang pelikula dahil ito ay magbubukas sa ating isipan sa mga isyung panlipunan na nagaganap sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Layunin din nitong magbigay ng aral at mensahe sa mga manonood. Malaki rin ang ginagampan­an ng mga aktor at minsan ay nakikita natin ang ating sarili sa kanilang mga ginagampan­an.

Sa kasaluyan ay napakarami nang mga kuwentong Pilipino na ang naisapelik­ula at nabigyan ng panibagong anyo upang makasabay sa popular na kultura tulad ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibuster­ismo ni Dr. Jose Rizal na tumatalaka­y sa kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagita­n ng pagsasapel­ikula nito malinaw na naipakita rito ang damdamin ng manunulat, ang kaisipang nais niyang maiwan sa kanyang mga mambabasa at higit sa lahat ang aral na mapupulot at magagamit ng kaniyang kliyente.

-oOoThe author is Teacher I at San Juan High School, Mexico Pampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines