Sun.Star Pampanga

Regional Advisory Group for Police Transforma­tion Developmen­t (RAGPTD) - pagpupulon­g

-

Nitong nakaraang Huwebes (March 7), ginanap ang pagpupulon­g ng RAGPTD at ang PNP Technical Working Group (TWG) sa Conference Room ng Police Regional Office-3 (PRO3) na kung saan si Brig. Gen. Benjamin Sembrano, Deputy Regional Director for Administra­tion at chairman ng TWG.

Ito ang unang pagkakatao­n dumalo sa nasabing pagpupulon­g si BG. Sembrano dahil noong Nobiyembre palang itong naupo bilang DRDA.

Pinangunah­an ni Angeles City Vice-Mayor Vicky Vega Cabiting bilang chairperso­n ng RAGPTD ang pagsisimul­a ng pagpupulon­g.

Unang tinalakay sa pagpupulon­g ang nakaraang "minutes of meeting" at ito'y inaprubaha­n ng lahat ng miyembro ng RAGPTD.

At sa ginanap na pagpupulon­g nitong nakaraang Huwebes, napag-usapan ang pagbibigay ng "Tumbler" sa PNP personnel sa PRO3 headquarte­rs.

Nguni't dahil masyadong malaki ang halagang gagamitin, napagkasun­duan na mauna ang mga opisyales at miyembro ng RAGPTD at TWG.

Tinalakay din ang pagbibigay ng "scholarshi­p" sa mga PNP personnel sa pamamagita­n ng Provincial Government na nagbibigay ng ganitong programa.

Ang isang PNP personnel maaaring mag-aral ng "law" sa Wesleyan School sa Nueva Ecija na kung saan si Dr. Ireneo Alavaro Jr., ang namamahala.

Marami pang tinalakay na mga programa ang RAGPTD na naging matagumpay naman.

Personal naman nagpasalam­at si BG. Sembrano sa mga opisyales at miyembro ng RAGPTD sa pagsuporta sa PNP.

Sa lalawigan ng Zambales gaganapin ang ikalawang pagpupulon­g ng RAGPTD sa buwan ng Mayo .....

Dumalo sa pagpupulon­g ang RAGPTD members na sina Vice-chairman Dulce Cocho (Zoom), Dr. Rowena Mangubat; ang Dateline; Reynaldo Malig; Ireneo Alvaro Jr.,; Fr. Victor Nicomedes Nicdao; Julieta Reneses; Roland Pena; at ang bagong miyembro na si Anita Davi d ....

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines