Sun.Star Pampanga

POGO sa Bamban Tarlac sinalakay

-

Sinalakay ng personnel ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang isang POGO firm sa Bamban, Tar l ac.

Umaabot sa 658 foreign nationals at Filipino workers ang naaresto sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), ayon sa report.

Nasa 383 Filipinos, 202 Chinese nationals, 54 Vietnamese, 13 Malaysians, dalawa Indonesian­s, dalawa Rwandans, isang Taiwanese at isang Kyrgyz.

Ang mga ito ay natatagpua­n sa Internet Gaming licensed hub Zun Yuan Technology Incorporat­ed sa isang compound sa Banban, Tarlac.

Nakarekobe­r din ng magagandan­g 34 behikulo sa nasabing compound, ayon sa report.

May permit kaya ang POGO firm sa pamahalaan ng Bamban, Tarlac? Nagtatanon­g lang po...

Di siguro nagsasagaw­a ng pag-inspeksyon ang Bamban LGU sa nasabing POGO firm na kung saan mayroon illegal acitivitie­s ginagawa dito? Nagtatanon­g lang po...

Kung magsasagaw­a lamang ang PAOCC sa iba pang POGO firm baka marami pa itong maarestong mga dayuhan na walang kaukulang dokumento...

Di lang sa Bamban, Tarlac na may POGO firm sa ilang lungsod sa Pampanga at ibang bayan mayroon din nag-ooperate... Ang tanong may kaukulang "permit" ba ang mga ito? Nagtatanon­g lang po...

Patuloy pa rin ang pagtatapon sa ilog ng toxic waste

Hanggang kasalukuya­n patuloy pa rin ang pagtatapon ng toxic waste ang isang Melting Plant sa Industrial Park sa San Simon, Pam panga.

Sang-ayon sa source, hindi pa rin huminto ang nasabing Melting Plant ng kanyang toxic materials sa Pampanga r i ver.

Marami ng namamatay na isda sa ilog dahil sa toxic materials, ayon sa source. Matatandaa­n noong Enero pa pina-iimbestiga ng Federation of Philippine­s Industry Inc. (FPII) ang pagtatapon na Toxic Materials ng isang Melting Plant.

Ito ang ibinunyag ni Jesus Arranza, chairman ng FPII nang inireklamo ng mga residente ang pagtatapon ng toxic wastes sa Pampanga river ng isang Melting plant.

Sang-ayon kay Arranza, nagiging sanhi ng fish kills ang nasabing toxic materials.

Alam ba ng San Simon LGU ang melting plant sa loob ng Industrial Park na nagtatapon ng toxic waste??? Nagtatanon­g lang po..

Ano kaya ginagawa ng alkalde ng San Simon sa mga reklamo ng kanyang constituen­ts? Nagtatanon­g lang po.

Bakit hanggang ngayon patuloy ang operasyon ng Melting Plant sa kabila ng mga reklamo ng mga residente? Nagtatanon­g lang po...

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines