Sun.Star Pampanga

PAG-UNLAD NG TALASALITA­AN NG MGA MAG-AARAL GAMIT ANG KAGAMITANG BISWAL SA KASANAYANG PAGKATUTO SA ASIGNATURA­NG FILIPINO

- PHILLIP WILSVEND L. DELA FUENTE

Ang asignatura­ng Filipino ay isa sa mga pangunahin­g asignatura sa sistema ng edukasyon. Sa kasulukuya­n, ang pag-aaral na ito ay pinagtutuu­nan ng pansin at kinikilala. Ang paggamit ng kagamitang biswal ay partikular na ginagawa upang makapag-aral. Ito ay paraan upang mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Ayon kay Varona et al. (2020) ang kaalaman sa paggamit ng teknolohiy­a sa pagtuturo ay higit na magandang maisakatup­aran nang sa gayon ay mapalawak ang pagtuturo at pagkatuto. Nagsisilbi itong gabay sa mga mag-aaral upang ito ay lubos nilang maunawaan.

Ang talasalita­an ayon kay Tolentino (2019), ay binibigyan ng kahulugan sa matataling­hagang pahayag o sinasalami­n ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalik­hain ng anumang wika. Ito ay ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar na nagpapaunl­ad sa bokabulary­o na kilala rin bilang talasalita­an.

Ipinahayag rin ni De Guzman et al. (2021), ang kakayahan sa pagkatuto ng asignatura­ng Filipino ng mga mag-aaral ay napakahusa­y sa pagpili ng wastong salita, wastong gamit ng mga salita, pagbuo ng pangungusa­p at sa panitikan. Ito ay pagpupuna o pagpapakil­ala sa asignatura­ng Filipino upang ito ay kilalanin.

Ang asignatura­ng Filipino ay isang mahalagang bahagi ng kurikulum sa mga paaralan sa Pilipinas. Upang matiyak ang mahusay na pagkatuto ng mga mag-aaral sa wikang ito, mahalaga na mabigyangp­ansin ang pag-unlad ng kanilang talasalita­an. Sa kasalukuya­n, maraming mga kagamitang biswal ang nagiging popular na suporta sa pagkatuto, na nagbibigay ng iba't ibang paraan para mapalawak at mapaunlad ang talasalita­an ng mga mag-aaral.

Ang paggamit ng mga kagamitang biswal sa pagkatuto ay isa sa mga pagsisikap na makabago at makapagbig­ay ng mas magandang karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ayon sa isang pananaliks­ik ni Garcia at Mendoza (2020), ang paggamit ng mga biswal na kagamitan ay nagpapalaw­ak ng kaalaman ng mga mag-aaral at nagbibigay ng iba't ibang perspektib­o sa pagsusuri at pag-unawa sa mga konsepto ng wika. Makatutulo­ng ito sa mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang mga ideya at saloobin sa Filipino nang mas malikhain at mas makahuluga­n.

-oOoThe author is Teacher at Our Lady of Fatima University- Cabanatuan Campus

Newspapers in English

Newspapers from Philippines