Tempo

Rocco, na-trauma kay Lovi

- Rowena Agilada

MAY closure na ang break-up nina Rocco Nacino at Lovi Poe. Nagkausap na sila at nagkapaliw­anagan, ayon kay Rocco nang nakausap namin at ilang entertainm­ent writers sa taping ng “Encantadia.”

Ani Rocco, nagkabigla­an sila ni Lovi noong nagkita sila sa restaurant ni Gabby Eigenmann. Niyaya siya kasi ng huli na magpunta roon. Deadma raw sa kanya si Lovi. A little later, nilapitan niya ito at tinanong kung pwedeng mag-usap sila. From 9 pm to 4 am sila nagusap at nagkaiyaka­n pa sila, ani Rocco. Sabi ko sa kanya (Lovi), na-trauma ako sa ‘yo. Nag-sorry siya. Matapos kami mag-usap, ang gaan ng pakiramdam ko. Parang nabunutan ako ng tinik.”

Ayon kay Rocco, si Lovi ang biggest heartbreak niya, kaya natrauma siya rito.

Umamin na

Nakausap din ng entertainm­ent writers si Inah de Belen sa taping ng “Encantadia.” Napilitang umamin ni Inah na “sila” na ni Jake Vargas nang kulitin siya sa estado ng kanilang relasyon. Nasa cast din ng “Encantadia” si Jake, pero wala siya dahil nasa taping ng “Pepito Manaloto.”

Ayon kay Inah, naipakilal­a na niya si Jake sa kanyang mommy Janice. Next week pa niya ipapakilal­a sa kanyang daddy (John Estrada) si Jake.

Walang bahid ng yabang, mabait, super gentleman, responsabl­e, masipag at mapagmahal sa pamilya nito ang nagustuhan niya kay Jake, ayon kay Inah. Ayaw niyang sabihin

kung ilang months na sila together. Ngumiti lang si Inah nang sabihin ng isang reporter na four months na sila, ayon sa source nito.

Debutante

Bukas na ang debut party ni Klea Pineda sa Nobu Hotel/Wave Poolside sa City of Dreams Manila. Tagged as #EighteenK,” modern Bohemian ang theme. Anang “Encantadia” star, ayaw niya ng formal affair, kaya hindi siya mag-ga-gown. Wala siyang traditiona­l cotillion. Pero may 18 roses, 18 candles at 18 treasures na ilang Kapuso stars and nonshowbiz friends niya ang magbabahag­i ng mga ito. Ani Klea, pinagsipan nila ng kanyang parents kung bagong kotse o party ang gusto niya for her 18th birthday. “Minsan lang mag-debut ang isang babae. ‘Yung kotse, pwede akong bumili kapag nakaipon na ako,” ani Klea. Ayaw pa niyang magkaboyfr­iend, hanggang crush lang muna. Si Andre Paras ang crush ni Klea.

 ??  ?? INAH de Belen and Jake Vargas KLEA Pineda
INAH de Belen and Jake Vargas KLEA Pineda
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines