Tempo

PIOLO INIGO DEFEND THEIR VIRAL KISSING VIDEO

- By GLEN P. SIBONGA

IBINAHAGI ng mag-amang Piolo at Iñigo Pascual ang reaksyon nila kaugnay ng natanggap nilang mga pamba-bash dahil sa kanilang viral kissing video. Ipinost sa social media ng make-up artist nila ang video kung saan makikita ang pagiging close ng magtatay nang halikan ni Iñigo ang ama sa lips at yumakap pagkatapos.

Bilang ama, nasasaktan daw si Piolo sa sinasabi ng bashers pero wala raw siyang nakikitang masama sa ginawa nila ng anak sa video. “You know what, ang hirap e. You wanna get mad at these people, gusto mong mapikon sa kanila. But if you know what is right, if you know what is positive and what is right in the eyes of God, hindi ka mag-iisip ng malisya kung nasa tamang pag-iisip ka. Anak ko ito! How dare you tell me what I should do and what I shouldn’t do. Ayaw ko kasing mag-isip ng masama sa tao. Pero ’yung mga namba-bash siguro naiinggit sila because they don’t get to experience that kind of bond with their parent, or their son. Ayaw ko na lang magsalita, because my relationsh­ip with my son is a blessing and I’m gonna flaunt whatever we can just as long as we have the time together, di ba?” sabi ni Piolo nang mag-guest sila ni Iñigo sa ABSCBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Si Iñigo naman ang sumunod na nagbahagi ng kanyang saloobin. “To be honest it’s something that I ngayon, parang I just laugh about it. Kasi parang what’s the point of making a story out of something that shouldn’t. Parang hindi ko maintindih­an bakit kailangan nilang gawin? Hindi ko maintindih­an why even it has to be a thing? He is my dad and if they don’t treat their dad the same way, that’s not my problem,” ani Iñigo.

Wala raw magagawa ang bashers para maapektuha­n ang closeness nilang mag-ama. Proud lang si Piolo kay Iñigo na hindi nagpapadal­a ang anak sa mga umiintriga sa kanila.

 ?? (Instagram) ?? PIOLO and Iñigo Pascual
(Instagram) PIOLO and Iñigo Pascual

Newspapers in English

Newspapers from Philippines