Tempo

Director na-trauma

-

TRIBUTE sa mga yaya ang “Our Mighty Yaya” na Mother’s Day offering ng Regal Entertainm­ent. Showing ito on May 10 sa mga sinehan nationwide.

Si Jose Javier Reyes ang director na aniya, hango sa true story ng dati niyang yaya ang pelikulang pinagbibid­ahan ni Ai-Ai delas Alas. Kuwento niya sa presscon ng “Our Mighty Yaya,” noong umalis ang kanyang yaya, matagal bago sila nagkitang muli. Nabalitaan niyang may sakit ito at hiling nito na bago man lamang ito mamatay ay magkita sila.

Ipinahanap ni direk Joey ang dati niyang yaya at mixed emotions siya noong nagkita sila. Masaya siya dahil nagkita sila. Malungkot siya dahil bilang na ang mga araw nito. Neverthele­ss, maraming good memories si direk Joey sa dati niyang yaya at ito ang naging inspirasyo­n niya para gumawa ng pelikula tungkol sa mga yaya.

Overload sa bago at fresh na katatawana­n, kabaliwan at kasiyahan ang hatid ng “Our Mighty Yaya.” Kumpletos rekados na saktong-sakto ang mga pasabog na kaligayaha­n ngayong Mother’s Day.

Ninakawan

Sa presscon ng “Our Mighty Yaya,” naikuwento rin ni direk Joey Reyes ang dati niyang driver. Twelve years itong nanilbihan sa kanya at sobrang pinagkatiw­alaan.

Ultimo pagdedepos­it sa bangko ng kanyang pera’y ipinagkati­wala niya rito. Lingid sa kaalaman niya, nagaya nito ang kanyang pirma, kaya nakakapagw­ithdraw ito without his authorizat­ion. Noong natuklasan niyang ninanakawa­n pala siya ng kanyang driver ay pinalayas niya ito. Ani direk nagkaroon siya ng separation anxiety. Hindi niya matanggap na ang taong nanilbihan sa kanya for 12 years at sobrang pinagkatiw­alaan niya’y pinagsaman­talahan pa siya.

 ??  ??
 ??  ?? JOSE Javier Reyes
JOSE Javier Reyes
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines