Tempo

Rosanna nanghihina­yang

- By MELL T. NAVARRO

MAHIGIT dalawang linggo na ang nakakaraan nang pormal na nag-withdraw (o hindi na itutuloy ang paglahok) ang filmmaker na si Cenon Obispo Palomares ng kanyang pelikulang “Unang Patak Ng Ulan Sa Buwan Ng Mayo” sa Cinemalaya Philippine Independen­t Film Festival 2017.

Nagsumite si Direk Cenon ng formal letter sa Cinemalaya organizers, pero walang makapagsab­i ng tunay na dahilan ng pag-withdraw nito sa annual indie filmfest, bagama’ diumano, may “sabi-sabi” na may kinalaman daw ito sa isyu ng funding.

Diumano, may usap-usapang hindi daw natupad ang “deal” sa pagitan ni Direk Cenon at ang kausap nitong co-executive producer na tutulong sa financing ng pelikula, pero walang kumpirmasy­on sa espikulasy­ong ito.

Sa pamamagita­n ng Facebook, hiningan namin ng pahayag si Direk Cenon tungkol sa isyu, at sumagot naman siya.

“There were a few things in the prod (production) that we couldn’t iron out. I sent na po letter sa Cinemalaya, but I’m still waiting for their official announceme­nt.

“Salamat, Sir Mell, for the patience, support and understand­ing,” pahayag ni Direk Cenon, na siya ring sumulat ng screenplay.

For the record, first quarter pa lang ng 2016 ay ininform na ng Cinemalaya organizers ang 10 official finalists ng Batch 2017 full length filmmakers. Pormal silang ipinakilal­a sa Awards Night ng Batch 2016 (August last year) sa CCP Main Theater.

Aware rin ang lahat ng mga lumalahok sa festival (now on its 13th year) sa halaga ng film grants. Mayroon silang mahabang panahon upang makakuha ng co-funders for their entries.

Kinontak namin si Direk Mel Chionglo, Cinemalaya Competitio­n Director, para sa sinasabi ni Direk Cenon na “official statement” na hinihintay nito.

Sagot ni Direk Mel: “Walang official announceme­nt on finalists’ pull out. Next intro with all of them (nine finalists) ay sa presscon na.”

Isa si Rosanna Roces sa dapat sana ay cast ng pelikula, along with Laila Ulao at Micko Laurente.

Aminado si Osang na wala siyang magawa kundi ang manghihina­yang sa pangyayari­ng ito dahil maganda ang istorya ng pelikula, at mahirap makapasok as official finalist ng Cinemalaya. “Nakakapang­hinayang, kasi, nag-invest na ‘ko ng time from the first meeting hanggang (script) reading. Minemorize ko na lahat (ng dialogues). Sayang, kasi, ang daming gustong makapagpas­a ng entry sa Cinemalaya.”

Sa isang FB thread pa rin, may nagtanong kung bakit hindi napalitan ng “Number 11” na finalist ang nag-withdraw na pelikula.

Nag-comment si Direk Laurice Guillen (Cinemalaya Foundation President): “He (Direk Cenon) withdrew too late, giving no time for #11 (film) to prep, shoot, and post.”

Ang Cinemalaya 2017 ay gaganapin sa August 4-13 sa CCP Theaters at sa piling Ayala Cinemas.

 ??  ?? ROSANNA Roces
ROSANNA Roces

Newspapers in English

Newspapers from Philippines