Tempo

Oropesa bilib sa young actors

- By RUEL J. MENDOZA

SEVEN years ding hindi nakagawa ng teleserye sa bakuran ng GMA-7 ang premyadong aktres na si Ms. Elizabeth Oropesa.

Huling teleserye niya sa Kapuso network ay ang “Beauty Queen” na pinagbidah­an ni Iza Calzado noong 2010 pa.

Ngayon ay balik-Kapuso si La Oropesa via “Impostora”.

“Oo nga, ang tagal ko palang nawala sa GMA-7.

“After kasi ng ‘Beauty Queen’, sa ibang networks ako naging busy.

“I did a two teleseryes for ABSCBN 2 and one for TV5.

“Alam mo naman tayo, hindi naman tayo exclusive sa anumang network, kaya kung sino ang may trabaho para sa atin, doon muna tayo.

“But GMA-7 is so good to me, kinukuha pa rin nila ako mag-guest every now and then. Like sa ‘Karelasyon’ at ‘Imbestigad­or’.

“I truly appreciate that talaga,” ngiti pa ni La Oropesa.

Sa “Impostora”, gaganap siya bilang si Denang, ang adoptive mother ni Nimfa na ginagampan­an ni Kris Bernal.

“It’s my first time to work with Kris sa isang teleserye.

“Actually, halos buong cast, first time ko makasama kaya nakakaexci­te for me kasi bago lahat.

“Nakakabili­b si Kris kasi alam ko ang hirap ng may prosthetic­s sa mukha. Pero nakakaarte pa rin siya ng tama.

“Wala akong naging problema with the rest of the cast kasi napaka-profession­al nilang lahat.

“Sa buong cast nga, ako lang ang pinaka-senior sa lahat. At nakakatuwa na magagalang ang mga baguhan na ito sa tulad ko.

“Ako naman kasi, 44 years na tayo sa industriya. Nakatrabah­o ko na ang iba’t ibang mga artista. But I’m happy na nandito pa rin tayo and these new generation of stars ay nakikilala pa rin tayo,” diin niya.

Isa si Elizabeth sa nalungkot sa pagpanaw ng award-winning film director na si Gil Portes noong nakaraang buwan.

Si Oro ang nagbida sa pinakahuli­ng obra ni Direk Gil na “Moonlight Over Baler”.

“Twice ko pa lang nakatrabah­o si Gil. Sa ‘Moonlight Over Baler’ and ‘Homecoming’. Pero matagal na kaming magkaibiga­n niyan.

“I will truly miss him. Gil was such a good friend. And I am honored to be one of the people na huling nakatrabah­o niya.”

 ??  ?? ELIZABETH Oropesa
ELIZABETH Oropesa

Newspapers in English

Newspapers from Philippines