Tempo

Zoren and Carmina: "We're not a perfect couple!"

- By RUEL J. MENDOZA

SA naganap na press launch para sa Legaspi Family ng produktong Citidrug, isang reason kung bakit sila ang napili ay dahil sa pagiging “ideal and perfect couple” nila sa mata ng maraming Pinoy.

Pero sina Zoren at Mina na ang nagsasabi na hindi sila ‘yung inakala ng marami na ideal and perfect dahil normal daw silang couple na may mga pinag-aawayan din.

“Kung ano ‘yung nakikita ninyo sa commercial­s at kung ano ‘yung nakikita ninyo sa pictures, ‘yun na ‘yon. We don’t have any pretention­s.

“Lagi nilang sinasabi, ‘Oh, your family is so ideal!’ Thank you. We’re very thankful and grateful like I’ve said that our kids, Cassy and Mavy, are mababait and very obedient. Wala kaming problema sa kanila.

“But when you say na perfect and ideal kami ni Zoren, hindi po kasi we also go through the same problems ng mag-aasawa.

“Yes, we do fight sometimes. May mga bagay na nagdi-disagree kami sa isa’t-isa.

“Pero we don’t make it public. Everything is settled privately. Gano’n lang kami ni Zoren. Hindi matatapos ang isang araw na hindi kami nagkakaayo­s,” kuwento

pa ni Mina.

Ayon naman kay Zoren, iwas silang mag-asawa sa social media para walang makaalam nang mga nagaganap sa loob ng pamamahay nila.

“Hindi sa pinagdadam­ot namin ang mga happenings ng family namin, pero mabuti na ‘yung may privacy kami.

“Yung kambal naman, napapanood naman sila sa ‘Eat Bulaga’ and they are very happy meeting ang mga fans nila doon.

“Careful lang kami when it comes to social media.

“We don’t post anything na makakasimu­la ng anumang tsismis.

“Kahit sina Cassy and Mavy, we monitor what they post kasi endorsers sila and ayaw naming mapapahama­k sila dahil sa nilagay nila sa Twitter or Instagram.

“We want them to be responsibl­e kids at hindi masyado mahook sa social media craze.”

 ??  ?? FROM left Cassy, Zoren, Carmina and Mavy
FROM left Cassy, Zoren, Carmina and Mavy

Newspapers in English

Newspapers from Philippines