Tempo

Korean actor Jin Ju Hyung enjoy kay Devon

- By GLEN P. SIBONGA

NA-ENJOY daw ng Korean actor na si Jin Ju Hyung ang pakikipagt­rabaho sa Pinay actress at Star Magic artist na si Devon Seron. Si Ju Hyung ay isa sa dalawang Korean leading men ni Devon sa internatio­nal movie na “You With Me” directed by Rommel Ricafort. Ang isa pa ay si Hyun Woo.

Nagkaroon kami ng pagkakatao­n na makausap at matanong si Ju Hyung sa presscon ng “You With Me” na dinaluhan nila ni Devon. Dito nga ay puring-puri ng Koreano si Devon. Aniya, “She is kind and easy to work with. She is cute.”

How do you describe your relationsh­ip now with Devon? “We’re just friends,” natatawang sagot ni Ju Hyung. “We’re close friends. We always talk to each other.”

Do you find Devon as girlfriend material? “Yeah, for sure!”

Do you like Devon? “Yes, I like her. Gusto kita,” sabi ni Ju Hyung.

Hindi naman daw mahirap magustuhan si Devon pero sa ngayon ay magkaibiga­n lang sila. Gusto rin daw niyang makatrabah­o ulit ang Pinay actress.

Kung mabibigyan ng pagkakatao­n, sana ay makagawa rin daw ng ibang proyekto si Ju Hyung dito sa Pilipinas.

Adobong manok ang paboritong Pinoy food ni Ju Hyung. Ang Palawan naman ang gusto niyang unang puntahang tourist destinatio­n sa Pilipinas pagkatapos ng promo nila para sa “You With Me.”

Kasama rin sa cast ng “You With Me” sina Tonton Gutierrez, Assunta de Rossi, Jon Lucas, Hazel Faith dela Cruz, Lee Seung-Yun, Sung InJa, Shin Dong-Hun, Lee Soo-Ryun, at Oh Ja-Hun. Produced by Gitana Film Production­s and RR Films/ Entertainm­ent in cooperatio­n with Film Line Pictures Production at Seoul Film Commission, ang “You With Me” ay mapapanood sa mga sinehan sa Pilipinas simula sa Sept. 27.

 ??  ?? JIN Ju Hyung and Devon Seron
JIN Ju Hyung and Devon Seron

Newspapers in English

Newspapers from Philippines