Tempo

Traffic enforcer binaril ng motorcycle riders

- (Kate Louise B. Javier)

Sugatan ang isang traffic enforcer nang barilin ng dalawang nakamotors­iklong lalaki na sinita niya dahil sa hindi pagsuot ng helmet sa Navotas City noong Miyerkules ng gabi.

Bagamat may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan, nagawa ni Alvin Garcia, 43, miyembro ng Navotas City traffic and parking management office, dalhin ang sarili sa Tondo Medical Center kung saan siya ngayon nagpapagal­ing, ayon kay Senior Police Officer 1 Allan Joey Ogatia, investigat­or on case.

Base sa initial investigat­ion, naka-duty si Garcia sa Virgo Drive, Barangay North Bay Boulevard South, nang parahin niya ang dalawang lalaking nakasakay sa Kawasaki Enduro motorcycle dahil wala silang suot na helmet dakong 7:40 a.m.

Sinabi ni Ogatia na walang license plate ang motorsiklo at wala rin maipakitan­g registrati­on papers ang mga suspect para sa kanilang sasakyan.

Habang nag-iisyu ng violation ticket si Garcia, biglang bumunot ng mga baril ang dalawang suspect.

Tinangka ni Norberto Villanueva Jr., co-worker ni Garcia, na awatin ang mga suspect ngunit binaril din siya ng motorcycle driver ngunit hindi siya tinamaan; habang pinaputuka­n naman ng backrider si Garcia.

Humarurot palayo ang mga gunmen matapos ang pamamaril.

Bigo ang police na maka-recover ng closed-circuit television (CCTV) footage sa pinangyari­han ng krimen.

Mariing kinondena ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang insidente at nangako siya na sasagutin ang medical expenses ni Garcia.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines