Tempo

Marvin Agustin, balik-GMA

- Rowena Agilada

BALIK-GMA si Marvin Agustin at kasama siya sa isang upcoming primetime series na pagbibidah­an nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Tampok din sina Christophe­r de Leon, Gloria Romero, Jeric Gonzales, Jean Garcia, Carmina Villarroel, Alfred Vargas (balik-GMA din sila ni Carmina) at marami pang iba. Si Don Michael Perez ang direktor.

Ani Marvin, pagdidirek sana ang gusto niyang gawin. Nag-aral siya ng film making sa New York.

Pero isang series ang inoffer sa kanya ng GMA kaya tinanggap na rin niya. Ani Marvin, na-miss niya ang GMA at acting. Huling ginawa niya ang “Iglot” with Claudine Barretto.

Isang doktor ang role ni Marvin sa upcoming GMA primetime series. May kambal siyang anak (Bianca Umali at Pauline Mendoza). In real life, may kambal na anak si Marvin, sina Santiago at Sebastian na 12 years old na ngayon.

Single pa rin si Marvin na aniya, sa tamang panahon ay gusto niyang magkaroon ng lifetime partner.

Happy naman siya sa dati niyang ka-love team na si Jolina Magdangal na two months pregnant sa second baby nila ng husband niyang si Marc Escueta. Three years old na ang panganay nilang si Pele.

Ayaw maghiwalay

Pang-walong tambalan na nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang upcoming primetime GMA series nila. Anila, thankful sila sa management na hindi pinaghihiw­alay ang love team nila. “Ayaw naming maghiwalay,” sabi ni Bianca na sinang-ayunan ni Miguel. Grateful sila sa Kapuso Network na pinagkatiw­alaan sila ng isang big project at suportado pa ng big stars. Pareho silang excited na anila, marami silang matututuna­n sa senior stars na kasama nila sa series. Mature roles na rito sina Miguel at Bianca na anila, challenge sa kanila. Hindi na pa-cute o pa-sweet ang kanilang karakters. Okey lang kung magkakaroo­n sila ng kissing scenes kung talagang kailangan sa eksena. Daya lang daw ‘yung kissing scenes nila sa “Mulawin vs. Ravena.” Sa upcoming primetime series nila, game na sila sa totoong kissing scene. By the way, kasama sina Miguel at Bianca sa upcoming movie headed by Paolo Ballestero­s, “Barbi D’Wonder Beki.” Joint-venture ito ng OctoArts Films, M-Zet Films at T-Rex Entertainm­ent. Showing on Nov. 29. Tampok din sina Joey de Leon, Joey Marquez, Benjie Paras, Epy Quizon, Ruby Rodriguez, Ejay Falcon, Kim Domingo, atbpa. Directed by Tony Reyes.

 ??  ?? MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali MARVIN Agustin
MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali MARVIN Agustin

Newspapers in English

Newspapers from Philippines