Tempo

Sharon , may kalaban

- ROWENA AGILADA

SOBRANG nag-enjoy si Jeric Gonzales sa guesting niya sa “Super Ma’am.” Nag-aksiyun aksiyunan kasi siya na aniya, dream niyang maging action star at wish niyang mabigyan siya ng GMA7 ng isang project na magpapamal­as ng kakayahan niya.

Gumanap si Jeric sa “Super Ma’am” bilang Isagani Dagohoy na naging kakampi ni Super Ma’am (Marian Rivera). Aniya, isang malaking karangalan na naging bahagi siya ng naturang GMA fantserye at nakatrabah­o ang Kapuso Primetime Queen. Ang bait daw ni Marian at very supportive sa co-stars niya.

Kasama si Jeric sa isang upcoming GMA primetime series na pangunguna­han nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. First time niya makaka-work ang dalawa na ani Jeric, excited siya.

Natutuwa siya sa Biguel love team at naaalala niya ang love team nila ni Thea Tolentino. Umasa ang fans nila na magiging real life love team sila.

Naging boyfriend ni Thea si Mikoy Morales, pero break na sila. Jeric claims, wala siyang girlfriend. Pero crush niya si Janine Gutierrez. Hanggang crush lang daw dahil aware siyang si Rayver Cruz ang ROBIN Padilla and Sharon Cuneta pinakamala­pit sa puso ng dalaga.

Di kalaban

Tumanggi si Paolo Ballestero­s nang sabihin ng isang reporter sa presscon ng “Barbi, D” Wonder Beki” na si Vice Ganda ang mahigpit niyang kalaban ngayon bilang komedyante.

Ani Paolo, hindi niya itinuturin­g na kalaban si Vice dahil magkaiba sila. Mas kilala raw siya bilang ka-triong komedyante nina Jose Manalo at Wally Bayola bilang Jowapao.

Mas gusto ni Paolo na makilala

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines