Tempo

Not the marrying type?

-

APAT na ang anak ni QC Mayor Herbert Bautista na aniya, ayaw na niyang dagdagan pa. Dalawa ang anak niya sa ex-partner niyang si Tates Gana, sina Athena at Harvey. Dalawa rin ang anak ni Mayor HB sa isa pa niyang ex-partner na si Eloisa Matias, sina Race at Cray.

Political Science graduate si Athena, high school naman si Harvey. Tapos naman ng filmmaking sa New York si Race at high school din si Cray.

Darating this September si Race mula New York para mag-apprentice sa ilang magagaling na direktor natin. Gusto rin daw maging film maker ni Harvey na dating bahagi ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Super proud dad si Mayor HB sa mga anak niya na aniya, wala siyang tanging hangad kundi magkaroon ang mga ito ng magandang future.

Di takot

Fifty years old na si Mayor HB, pero mukhang wala pa rin siyang balak magpakasal.

“Marriage is not an option. It is a lifetime goal,” aniya. Hindi raw siya natatakot tumanda na walang kasamang sariling pamilya.

“Siguro naman, maraming mag-aalaga sa akin. Sana, mabuhay pa ako ng 30 years pa.”

Nakausap si Mayor HB ng entertainm­et press sa birthday treat niya para sa mga January to December celebrator­s na ginagawa niya yearly.

Aniya, ipinagpapa­tuloy lang niya at ng mga kapatid niyang sina Hero at Harlene ang legacy ng yumao nilang ina, si Mommy Baby Bautista. Noong nabubuhay pa ito’y super friendly sa press.

Sa nasabing event, namahagi si Mayor HB ng kanyang biography book, “Bistek @ 50: Life in Full Color, The Herbert Bautista Biography.” Naglalaman ito ng kanyang buhay- estudyante, buhayartis­ta at buhay- politiko. Game naman sa pagsagot si Mayor HB tungkol sa kanila ni Kris Aquino. Naglabasan na ito sa ibang babasahin na for sure, nabasa na rin ni Kris ang magagandan­g pahayag nito about her.

Truly, nakakahaba ng hair ang mga sinabi ni Mayor HB. Kaya lang, nang may nagtanong sa kanya kung minahal ba niya si Kris, buwelta nito, “Akala ko ba magkaibiga­n tayo?”

‘Yun na!

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines