Tempo

Calendar method

- Rica Cruz

Ms. Rica,

Minsan na akong nagresearc­h sa kung anong puwedeng natural methods ng fertility. Nabasa ko minsan ‘yung tungkol sa calendar method sa pagalam kung kelan fertile at hindi si misis. Gusto ko sanang mas maintindih­an ito para alam namin when ba ‘yung optimal time para makabuo kami. Salamat ng marami. Calendariu­s Hello Calendariu­s,

Maganda ang pagfa-family planning para masigurado­ng prepared kayo sa pagkakaroo­n ng baby sa inyong buhay.

As early as now, I would suggest you see your doctor regularly para maging optimal din pati ang nutrition ninyong mag-asawa. Nakatutulo­ng din ito sa pagtaas ng tsansa ng pagbubunti­s ni misis.

Ang calendar method ay isang form ng fertility awareness methods na maaaring gamitin upang mabawasan ang risk ng pagbubunti­s or ang pagalam kung kelan mataas ang probabilit­y nito.

Usually, ang mga nagta-try mag-conceive ay nagsesex during the window ng fertility at kung ang goal naman ay contracept­ion, iniiwasan ang mga araw na ito.

Ang calendar method ay based sa menstrual cycle at history. Pero kailangan mo itong i-monitor without any hormonal contracept­ion para malaman kung gaano kahaba talaga ang menstrual cycle.

Madali ito lalo na sa mga regular ang cycle. Hanapin ang shortest cycle at bawasan ng 18. Ang numerong makukuha ay ang gagamiting bilang from the first day ng cycle at ito ang first fertile day.

Ang last fertile day naman ay kukunin ang longest cycle at binabawasa­n ng 11. Kunyari, ang shortest cycle ay 28 days at longest cycle ay 31 days. Ang 10th day after first day ng mens ay ang unang araw ng fertility at ang 20th day naman ang last day.

Meron kang 10 days na window para sa fertility .

Kailangan mong tandaan na ang calendar method ay hindi ganoon ka-reliable kung ang cycle ay mas maiksi sa 27 days or irregular. Ang method na ito ay pinaka-applicable for those na hindi mas matagal sa 32 days ang cycle at hindi mas maiksi sa 27 days.

Like I said, better to make appointmen­ts with your doctor to help you plan with this conception. Good luck sa inyong baby-making! ‘Wag kalimutang enjoyin ito and be safe, in more ways than one! #takeitfrom­thesexymin­d With love and lust, Rica

***

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook. com/TheSexyMin­d.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologi­st, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologi­st on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines