Tempo

Ricky Lee suportado ang libro tungkol sa HIV

- Mell T. Navarro

KAMAKAILAN ay dumalo ang respetadon­g si Ricky Lee sa book launch ng “Mga Batang Poz” ni Segundo Matias, Jr. o mas kilala bilang Jun Matias, sa mismong building ng author sa Quezon City.

Si Jun Matias ang owner ng Lampara Books Publishing ng sikat na Precious Hearts Romance pocketbook novels, at iba pang mga libro na may iba’t ibang tema, pati na pambata.

Very proud si Ricky kay Jun dahil isa ito sa early participan­ts sa kanyang Ricky Lee Scriptwrit­ing Workshop na nagsimula noong 1982 (na ever since ay “free of charge”).

“Naalala ko, mga teen-ager pa sila noon nina Richard Reynante, Linda Casimiro, Ben Pascual… Hanggang nagsulat sila sa isang TV show, ‘yung ‘Pub House’ nina Chanda Romero.

“Masaya ako na mula sa pagiging teenager nila noon na sabik na sabik makapagsul­at, eh eto ngayon siya – may sarili nang empire, may sariling publishing house.

“Ang dami-dami na niyang nasulat, siya mismo. Ang dami-dami niyang natulungan­g ibang mga writers, mga datihan at baguhan.

“Higit sa lahat, marami siyang natulungan­g mambabasan­g Pilipino.

“Lagi nilang sinasabi na hindi naman nagbabasa ang Pilipino? Hindi! Kapag makita mo ang mga fans ng mga libro nina Jun, ‘pag dumumog, libo!

“I’m very proud of him, and I’m sure, I will still be very proud of him, dahil mukhang ang dami pa niyang balak isulat, i-publish, at matulungan­g writers.”

Naniniwala ang batikang writer na very timely ang tema ng “Mga Batang Poz” (short for “positive” sa sakit na HIV, na kapag lumala ay nagiging AIDS).

“Very timely, dahil ngayon, malungkot mang isipin, pero totoo na mas lumalagana­p na sa atin dito sa Pilipinas ang HIV, lalung-lalo na sa kabataan.

“Pero I think, mahalaga itong basahin hindi lamang ng mga kabataan, kundi nating lahat – babae, lalaki, matanda, bata.

“Kasi, ‘pag nalaman nating lahat ang tungkol dito, malaking hakbang na ‘yun upang makatulong tayong maiwasan o mabawasan (ang paglaganap nito).

Dagdag pa ng award-winning writer: “Seryoso ang usapin ng HIV. Kahit sino ay puwedeng maapektuha­n nito, kapatid natin, kapitbahay, kahit na sino. It’s a very urgent issue na dapat nating harapin ngayon. Hindi bukas.”

Ang “Mga Batang Poz” book ay available na sa National Bookstore, Precious Pages retail outlets.

 ??  ?? JUN Matias with Ricky Lee
JUN Matias with Ricky Lee

Newspapers in English

Newspapers from Philippines