Tempo

Walang atrasan

- Rowena Agilada

WALANG atrasan ang pagkandida­to ng actor-politician na si Roderick Paulate for vice-mayor ng QC sa 2019 mid-term elections. Last term na niya bilang councilor ng second district, kaya target naman niya ang maging vice-mayor na running mate niya si Chuck Mathay bilang mayor. Father ito ni Ara Mina.

Nag-file na si Paulate ng Certificat­e of Candidacy (COC) at tatakbo siya sa ilalim ng bagong tatag na partidong KDP (Katipunan ng Demokratik­ong Pilipino). Aniya, nilapitan siya ni Mathay para maging running mate.

Makakalaba­n ni Roderick si Councilor Gian Sotto na si Vicemayor Joy Belmonte ang running mate. Ani Paulate, huwag silang pagkumpara­hin ni Sotto dahil mabait ito at mas may edad siya rito. Besides, bilang president protempore, kapag absent si VM Joy, si Roderick ang nagte-take-over. Siya ang nagpe-preside.

Expected

Malapit si Roderick Paulate kay Helen Gamboa-Sotto, mother ni Gian Sotto na wish niya, huwag maapektuha­n ang magandang relasyon nila. What if, makiusap sa kanya si Helen na umatras siya para hindi sila magkalaban ni Gian?

“I don’t think, gagawin ‘yun ni Tita Helen,” ani Paulate. “Walang dahilan para umatras ako.” Expected na rin niya na muling mauungkat ang kaso laban sa kanya na aniya, five years and 11 months nang paulit-ulit na lang ang paninira sa kanya.

“Tumakbo ako o hindi, tinitira ako. Eh, di tumakbo na lang ako out of prinsipyo. Sana, maging demokratik­o tayo. Gusto kong magkaroon ng choices ang mga tao na mabigyan sila ng karapatang makapili kung sino ang iboboto nila. “

Aniya, nag-e-enjoy siya sa pulitika. Ayaw lang niya ang hindi patas na labanan. Ayaw niya ng maruming paraan para manalo ang isang kandidato. “Hindi ako makakalaba­n kapag perahan.”

Walang pakialam

Kasama si Albie Casino sa “First Love” na pinagbibid­ahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo where he plays Bea’s brother. Aniya, marami siyang funny at crazy experience­s during the shoot.

Sa isang interbyu, natanong si Albie tungkol sa pag-quit sa showbiz ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann. Aniya, wala siyang pakialam kahit ano pa ang gawin nito.

Isang model ang girlfriend ngayon ni Albie at magti-three years na ang kanilang relasyon. Hoping siya na ito na ang pakakasala­n niya if and when he’s ready to settle down.

 ??  ?? RODERICK Paulate
RODERICK Paulate

Newspapers in English

Newspapers from Philippines