Tempo

Gloria Diaz, pabor sa transgende­r candidate sa Miss Universe

- By RUEL J. MENDOZA

PABOR na pabor si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa pagsali ng mga transgende­r women sa mga beauty pageants tulad na lang ng Miss Universe.

Sa unang pagkakatao­n ay may isang transgende­r candidate na sasali sa Miss Universe 2018. Ito ay si Miss Spain Angela Ponce na naging usapusapan sa buong mundo ang pagkapanal­o dahil isa itong transwoman.

Tinanggal na kasi ng Miss Universe ang ban sa pagsali ng transwomen noong 2012. Kaya open na ang naturang pageant sa pagtanggap sa mga transgende­r candidate mula sa iba’t ibang bansa.

“Well, I have nothing against that, gusto ko nga ‘yun, eh.

“It’s more competitio­n kasi and it doesn’t mean naman na you cannot be beautiful because you’re transgende­r, di ba?

“But I don’t know how it will affect the competitio­n itself because usually kapag beauty contest ‘yung babae ang parang reyna.

“But let’s see what happens. Hindi ba parang exciting kasi may something different na sa Miss Universe?” ngiti pa ni Gloria.

Pinaalala nga ni Gloria na naging judge na siya noon ng “Super Sireyna” sa “Eat Bulaga.” Sobra ang paghanga niya sa mga transwomen na sumali sa naturang contest.

“Ang gaganda talaga ng mga ‘Super Sireyna’ contestant­s. Even sa malapitan ang gaganda nila. Talo kaming mga tunay na

babae!” pagtatapos pa niya.

 ??  ?? GLORIA Diaz
GLORIA Diaz
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines