Tempo

May hinanakit

- (Robert R. Requintina)

HINDI mapigilan ni Lorraine Schuck, organizer ng sikat na Miss

Earth beauty contest, na maglabas ng hinanakit sa mga taong hindi pa rin binibigyan ng halaga ang pamosong beauty contest na nakatuon sa pangangala­ga ng kalikasan.

“Balang araw, ma-re-realize din nila kung gaano kahalaga ang Miss Earth pageant. Sa ngayon siguro hindi pa pero darating ang panahon malalaman din nila na importante ang contest na ito,” ayon kay Schuck, Executive Vice President ng Carousel Production­s, organizer ng Miss Earth pageant, sa exclusive interview sa kaniyang mansion sa Mandaluyon­g City.

Ang Miss Earth pageant ay nasa 18 years na ngayon mula nang itinatag ito noong 2001. Pero hindi raw masisisi ni Schuck kung ganun talaga ang tingin ng ibang tao sa kanilang pageant.

“Kung ganun ang tingin nila sa pageant namin at ganun ang trato nila sa contest namin, wala na siguro akong magagawa,” ayon sa dating beauty queen, na hindi naman pinangalan­an ang mga tinutukoy na tao. Dagdag pa ni Schuck na napakalayo na ng narating ng Miss Earth at naging isa nga ito sa apat na pinaka-malalaking beauty contest sa buong mundo.

Hindi man matanggap ng iba pero halos ka-level na rin ng Miss Earth contest ang iba pang sikat na pageant tulad ng Miss Universe, Miss World at Miss Internatio­nal.

Nang tanungin kung ano ang ranking ng Miss Earth sa apat na sikat na beauty pageant, sinabi ni Shuck: “Siyempre Miss Earth ang No. 1!”

 ??  ?? LORRAINE Schuck
LORRAINE Schuck

Newspapers in English

Newspapers from Philippines