Tempo

Male pageant candidate agaw pansin

- By ROBERT R. REQUINTINA

USAP-usapan ngayon sa mundo ng pageantry ang pagkasira diumano ng trunks ng isang male candidate sa Mister Universe Tourism dahil sa laki raw ng kargada nito.

Ilang oras bago ipinakilal­a sa media ang 19 official candidates ng nasabing contest sa press presentati­on na ginanap sa Rockwell sa Makati City, usap-usapan na sa mga pageant correspond­ents ang naging insidente. Nangyari di umano ito sa fitting ng mga trunks ng male candidates.

May mga natawa sa kuwento samantalan­g ang iba naman ay tinuring lamang itong biro. Nag-antay na lang ang lahat na ipakilala ang mga male candidates.

Nang magsimula nang rumampa ang mga kandidato, nabaling na ang atensyon ng lahat sa nasabing kandidato. Napalunok na lamang ang marami sa kanilang nakita at ang iba ay natulala at shock.

May ilang pageant media na nagtatalo kung tutoo raw ba ang nakita nila o nilagyan lamang iyon ng bimpo para maging mukhang malaki tignan. “Tutoo yun! Hindi ‘yun fake. May ibang lalaki na gifted talaga sila sa katawan,” ayon sa isang pageant expert.

Ang 19 official candidates ng Mister Universe Tourism 2018 ay sina Kelvin Aguilan, Joshua Lazado Buena, Justin Joseph Aninias, Miggy Uchimura, Christian Villarin, Justine San Pedro, Christian Lopez, Russell Gabriel San Pedro, Jeoff Paolo Monzon, John Lester Rodil, Ahmad Sulaiman Arraro Ali, Rinz Alton Villaruel, Keanu Fernando, Jhon Patrick Driz, Mark Avila, Yuichi Sekiguchi, Luis Cabig Bermudez, Patrick Santillan Acebo at Ryan Apostol.

Nakatakdan­g ganapin ang coronation night ng Mister Universe Tourism Philippine­s sa RCBC Plaza sa Makati City ngayong gabi. Ang mananalo ay kakatawan sa Pilipinas sa Mister Universe Tourism contest sa isang taon.

 ??  ?? THE 19 official candidates of Mister Universe Tourism Philippine­s 2018 with pageant organizers President Dr. Jumel Bornilla and CEO Manix Genabe during press presentati­on in Makati City.
THE 19 official candidates of Mister Universe Tourism Philippine­s 2018 with pageant organizers President Dr. Jumel Bornilla and CEO Manix Genabe during press presentati­on in Makati City.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines