Tempo

Roderick tinanong kung bading

-

AWARE

si Councilor Roderick Paulate na marami ang nagaakalan­g bading siya sa totoong buhay, lalo pa’t nasanay ang publiko sa gay role na ginagampan­an niya.

Over lunch with him, lakasloob na tinanong siya ng kasama naming reporter kung bading nga ba siya? “Hindi, ah!” mariing sagot ni Dick. Joke nga niya, minsan daw ay kinakausap niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. “Tinatanong ko, bading ka? Hindi! Weeh! Hindi nga?, sagot ko sa sarili ko,” ani Dick.

Never daw siya na-confuse kahit na-typecast siya sa gay role. “Hindi ba, ‘yung mga tunay na lalaking actor, magaling maggay role?” aniya. Oo nga naman! ‘Andiyan sina Ronaldo Valdez, Michael de Mesa, Dennis Trillo, Mikael Daez to name a few.

Sa mga hindi pa nakakaalam, naka-dalawang girlfriend si Roderick. Una’y ang non-showbiz girl na si Atty. Olma Inocentes na US based na ngayon at married na. Pangalawa ang former actress na si Jackie Aquino, also married na.

Ani Paulate, sobrang focused siya noon sa kanyang career, kaya hindi nag-work ang pakikipag-relasyon niya sa magkaibang panahon.

Single pa rin hanggang ngayon ang actor-politician. Aniya, minsan pag-uwi niya ng bahay ay nalulungko­t siya. Wala siyang mapagkuwen­tuhan ng mga kaganapan sa kanya after a hard day work bilang public servant.

Kandidato si Paulate for vicemayor ng QC sa 2019 mid-term elections. Joke nga namin, who knows baka bago ang campaign period ay dumating si Ms. Right para makasama niya.

Tuloy na

Nagpaalam na si Regine Velasquez sa last episode ng “Sarap Diva” last Saturday na obviously, tuloy na ang paglipat niya sa ABS-CBN. Naintindih­an ng GMA7 ang kanyang desisyon and wish her well sa pag-pursue niya ng panibagong opportunit­ies outside GMA Network.

Twenty years naging Kapuso si Regine. Kahit wala pa siyang official statement, kumpirmado­ng Kapamilya na siya. Sa Facebook page ng ABSCBN The Filipino Channel-Australia ay may post ng press release na ka-join si Regine ng husband niyang si Ogie Alcasid sa ASAP Live In Sydney Show sa October 20 na gaganapin sa ICC Sydney Theater.

Guests din sina Liza Soberano, Enrique Gil at iba pang Kapamilya stars.

 ??  ?? RODERICK Paulate
RODERICK Paulate

Newspapers in English

Newspapers from Philippines