Tempo

Ejay, pinuri

- (Delia Cuaresma)

UMANI ng papuri ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon matapos lumabas ito sa isang episode ng Korean drama na “Where Stars Land.”

Gumanap si Ejay bilang isang Pinoy na hindi pinayagang makapasok sa Korea sa sikat na drama.

Pumatok sa manonood ang eksena kung saan, matapos manganak ang asawa nito (Lauren Young) sa loob ng Korea, nagkita ang dalawa ngunit hindi makapag-usap dahil sa pagitan na salamin.

Ayon kay Gigi DimaanoMel­odias, general manager ng

Fan Girl Asia, ang talent agency na nagrekomen­da kay Ejay para sa kanyang unang internatio­nal role, nagustuhan ng mga nakatrabah­ong Koreano mula sa FNC Entertainm­ent, ang producers ng nasabing K Drama, ang aktor. Aniya, “Sakto si Ejay Falcon para sa role.”

Samantala, napansin rin ng mga netizen ang naging pagganap ni Ejay dahil nakakaanti­g ng puso ang naging madamdamin­g pagkikita ni Ejay at Lauren sa airport.

Pinakita ng fans ang kanilang suporta at positibong reaksyon sa mga clips ng episode na naka-post sa Instagram ng aktor.

Ani isang fan, “Grabe ang intense neto sir! Ang galing ninyo umarte!”

Ang isa naman nag-comment ng “Ang galing nyo po super! Congratula­tions po, you deserved it.” Blessing naman ang turing ni Ejay sa malaking pagkakatao­ng binigay sa kanya. “Achievemen­t unlocked ito para sa akin. Nagpapasal­amat ako sa ABSCBN at sa lahat ng tumulong para mangyari ito,” sabi niya. Maliban sa madramang pagtatagpo nila ng asawa, naipakita ni Ejay ang kanyang husay sa pag-arte sa kanyang fight scene kasama ang Korean star na si Lee Je Hoon.

 ??  ?? EJAY Falcon
EJAY Falcon

Newspapers in English

Newspapers from Philippines