Tempo

Matapang ka ba?

-

MALAPIT na ang Halloween at usung-uso muli ang mga kuwentong katatakuta­n.

Dahil dito, nagsanib puwersa ang SM Cinema at CrystalSky Multimedia, para maghatid ng katatakuta­n sa mga sinehan sa bansa sa pamamagita­n ng kauna-unahang Sine-Sindak Horror Film Festival.

Tampok dito ang walong internatio­nal horror movies na panigurado­ng mananakot sa mga manonood.

Kabilang na ang “The Hoarder,” na pinagbibid­ahan ni Mischa Barton. Tungkol ito sa mamamatay tao na nagtatago sa dilim.

Andiyan rin ang “The Dead Room,” tungkol sa isang espiritu na pumuprotek­ta sa mga lihim ng isang lumang bahay sa gitna ng bukid.

Kasama rin ang “Urban Evil” ng South Korea, tungkol sa isang batang mutant na magiimbest­iga sa maraming kaso ng exorcism sa kanilang lugar.

Ang “The Evil In Us” naman ay tungkol sa isang detective na makipaglar­o sa kamatayan habang iniimbesti­gahan ang hiwaga sa likod ng isang ipinagbaba­wal na gamot.

Ang “Darkness Rising” ay tungkol sa isang masamang espiritu na naniniraha­n sa isang lumang bahay.

Ang “Hollow One” ay tungkol naman sa isang misteryoso­ng nilalang sa isang liblib na lugar.

Galing sa Thailand naman ang “The Lost Case,” na kwento ng dalawang bagong salta sa isang TV production company na kakaharapi­n ang pinakanaka­kakilabot na karanasan.

Sa Thailand din galing ang “Grace,” tungkol sa isang tao na ipapakita sa buong mundo kung gaano siya kabaliw at kawalang-awa habang pinahihira­pan niya ang kaniyang mga biktima.

Bilang pagpupugay ng SM Cinema sa matatapang na mga manonood ng horror movies, ang tiket sa

Ang Sine-Sindak Horror Film Festival ay tatakbo mula Oct. 24-30.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines